|
Post by nicky on Nov 2, 2009 22:30:44 GMT 8
Credit: Rowena Joy A. Sanchez, Manila Bulletin Angel wants Luis to make the first moveAlthough Angel Locsin and Luis Manzano have confirmed their break-up, they continue to evade questions on whether they still love each other. “Oh my God, 'yan ang tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon,” said Angel in a taped interview aired on “The Buzz,” Nov. 1. Luis, in a separate interview, commented: “No matter what we answer [ay] mami-misconstrue ng mga tao.” After the VTR aired, “The Buzz” host Kris Aquino revealed that Angel told her Luis has to make the first move to fix their relationship. “Hindi naman siya (Angel) 'yung issue. Kailangan Luis has to start talking first to her dad, kasi 'yong dad ni Angel parang nagulat na nawala ['yong relationship nila when] they had a really good relationship.” Angel admitted she has second thoughts attending the birthday party of Luis’s mother, Governor Vilma Santos. “Baka magmukha akong trying hard 'pag nagpunta ako dahil baka magulat din siya (Tita Vi),” Angel said, as told by Kris.
|
|
|
Post by nicky on Nov 2, 2009 22:50:08 GMT 8
Credit: Heidi Anicete, ABS-CBN Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heartSa isang maikling panayam sa SNN nito lamang October 19, matapang na sinagot ni Luis Manzano ang mga intrigang pilit pa ring nagli-link sa kanila ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin. Kaugnay ng nasabing panayam, nabanggit rin ng naturang aktor na sa kabila ng sinapit ng relasyon nila ng aktres ay nananatili pa ring mayroong nakalaang espesyal na puwang ang dalaga sa puso niya. At matapos nga ang matagal na pananahimik, kanina sa SNN ay nagsalita na rin si Angel kaugnay ng naturang isyu. Hindi na itinanggi ng dalaga ang muling pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan nila ni Luis lalo na nang mag-umpisa ang proyekto nila ni Anne Curtis na Shop and Share para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ani niya, isa raw kasi si Luis sa marami pa nilang masugid na supporter simula noong maitatag nila ang naturang campaign. Pagbabahagi naman ng dalaga patungkol sa tunay na estado ng kasalukuyan nilang relasyon ng dating boyfriend, "Inaayos namin na maging magkaibigan kami. Marami pa kaming kailangang ayusin." At nang sinubok ngang alamin ng SNN kung ano ang tinutukoy niyang kailangan nilang ayusin, ngumiti lamang siya at sinabing "Well, si Luis na lang siguro dapat magsabi sa inyo." Katulad ni Luis, inamin ni Angel na hanggang ngayo'y may espesyal na parte pa rin ang dating karelasyon sa puso niya. Paliwanag nga niya, sadyang malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa kaya hindi ganoon kadaling balewalain ito. Ngunit nang direkta siyang tinanong kung hanggang sa kasalukuya'y mahal pa rin niya si Luis, nakangiti siyang tumugon ng "Uhm, ayan yung mga tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon."
|
|
|
Post by nicky on Nov 3, 2009 2:41:52 GMT 8
[Poll]Angel Locsin: POP Cover Girl Nominee in ASAP’s 4th Pop Viewers Choice Awards 2009For the second year in a row, Angel Locsin is again a nominee for POP Cover Girl in ASAP’s 4th Pop Viewers Choice Awards 2009. Other nominees in this category are: Christine Reyes, Kim Chiu, and KC Concepcion. Last year, Angel Locsin won in the POP Cover Girl and the Pop Female Fashionista categories of ASAP’s 3rd POP Viewers Choice Awards. Angel Locsin is also nominated along with Piolo Pascual under POP Screen Kiss category for “Love Me Again”. Other nominees are: Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz in You Changed My Life; Luis Manzano and John Lloyd Cruz in In My Life; and Eugene Domingo and Dingdong Dantes in Kimmy Dora The theme song of Angel Locsin’s movie, I Don’t Want You to Go from Love Me Again, is also nominated under Pop Movie Theme Song category. Other nominees are: You Changed My Life from You Change My Life; Something New In My Life from In My Life; and And I Love You So from And I Love You So. The poll is now open for the 2009 ASAP Viewers’ Choice Awards. You can cast your vote by texting “POP” to 2331 for Globe, TM & Sun subscribers and 231 for Smart & TNT subscribers. For the complete list of nominees for the 2009 ASAP Pop Viewers’ Choice Awards, visit starmometer. source: twilightangela.blogspot.com/
|
|
|
Post by nicky on Nov 3, 2009 6:04:39 GMT 8
Credit: Glen P. Sibonga, PEPAngel Locsin and Luis Manzano finally meet four months after they broke upNaging hot topic sa "POV (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment ng The Buzz kahapon, November 1, ang tungkol sa hiwalayan ng dating magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano. Sa VTR na ipinalabas ay ipinakita ang nangyaring pagsasama sa stage nina Angel at Luis sa ASAP' 09 kahapon, na talaga namang ikinagulat ng marami. Pagkaraan ng apat na buwang pananahimik mula noong breakup ay kahapon pa lang sila nagkita muli. ANGEL AND LUIS SPEAK UP. After ng ASAP ay magkahiwalay na ininterbyu ng The Buzz ang dalawa para hingan ng reaksyon. "Ngayon lang ulit kami nagkita. Tapos biglaan pa. Hindi ko alam na kasama ako sa opening. Ay, kasama pala ako sa opening. So, medyo nakakaloka yung reaksyon ko!" bulalas ni Angel. Sambit naman ni Luis, "Hindi ko nga alam kung nag-holding hands kami. I'm not sure, I can't remember kung nag-holding hands nga kami." Sinabi rin ni Angel na for a time ay talagang hindi sila nag-uusap ng ex-boyfriend. "Parang ang weird naman kung lagi pa rin kaming nag-uusap, di ba? Parang... nag-break pa kami," ani Angel. Aminado ang dalaga na bagamat nagkakausap na sila ngayon ay hindi pa rin sila 100 percent okay. "Hindi ko kayang plastikin yung sarili ko, di ba? Parang ang weird naman nun na biglang chummy-chummy kami kaagad. Nagulat naman talaga ako, di ba? Siya rin naman siguro nagulat, e. Kaya lang, kaya niyang dalhin yung sarili niya," sabi ni Angel. Sa tanong kung mahal pa ba nila ang isa't isa, "My God!" sagot ni Angel, sabay tawa. "'Yan ang tanong na hindi ko kayang sagutin sa ngayon." Nami-miss ba niya si Luis? "Nami-miss ko kung paano kami dati. Pero hindi ko siya nami-miss," deretsong sagot ni Angel. Ayon naman kay Luis, "No matter what we answer dun, iba ang magiging pananaw ng mga tao. Mami-misconstrue yung mga sagot namin, e. Siguro sa amin yung mga ganung tanong, e sa aming dalawa na lang." VILMA MISSES ANGEL. Nagbigay din ng pahayag si Luis tungkol sa sinabi ng mommy niyang si Gov. Vilma Santos na nami-miss niya at mahal pa rin niya si Angel. "I can really say that... At alam ni Angel yun. Sinabi ko kay Angel," sabi ni Luis. Ito naman ang sagot ni Angel, "Gusto ko lang sabihin kay Tita, siya pa rin ang idol ko kahit ano ang mangyari. Kahit anuman ang mangyari, nandito pa rin ako para suportahan siya." Maganda naman ang dating kay Luis ng muli nilang pagkikita at pag-uusap. "Kung anuman yung mangyari sa amin, what we have right now is a very good start," wika ni Luis. NO NEW LOVE. Ikinagulat naman ni Angel ang balitang may bago na raw siyang pag-ibig. "Wow, sino ba 'yang bagong pag-ibig na 'yan? Bagong pag-ibig... Wala akong metro, wala akong taxi, so hindi naman ako nagmamadali," pagbibiro ni Angel. So, si Luis pa rin? "Hindi ko masabi... hindi ko masabi. Gabriela ako, e. Marunong naman akong mag-isip," makahulugang sagot ni Angel.
|
|
|
Post by nicky on Nov 3, 2009 6:08:57 GMT 8
Credit: Melba Llanera, PEP Kris Aquino explains declaration that Kim Chiu is the No. 1 Young Actress today
Naging isyu agad sa mga solid Sarah Geronimo fans ang nabitawang salita ni Kris Aquino na para sa kanya ay si Kim Chui ang No. 1 sa hanay ng young actresses ngayon, kung kaya't hindi nagdalawang-isip ang TV host na tanggapin ang role bilang ina ni Kim sa sisimulang teleserye ng ABS-CBN, Kung Tayo'y Magkakalayo. Rason ng mga masusugid na tagahanga ng Pop Princess, malayo pa raw sa narating ng idolo nila ang kung anumang achievements ni Kim. Sa box-office ay kumita at sinuportahan raw ng publiko ang mga pelikulang pinagbidahan ni Sarah. Patunay raw nito ang pagiging Box-Office Queen ni Sarah last year, na mahihirapan daw abutin ni Kim. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa birthday badminton tournament ng kaibigang si Boy Abunda last October 28, ipinaliwanag ng TV host ang ibig niyang sabihin sa kanyang binitawang salita. Aniya, "I think Kim is really now our Teleserye Princess—proven naman 'yan sa na-accomplish ng Tayong Dalawa—sa age bracket nila—si Bea [Alonzo], si Anne [Curtis], KC [Concepcion], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Marian [Rivera]. Sila ang magkaka-age bracket. Si Sarah Geronimo naman is the Box-Office Queen and also No. 1 Concert Queen ngayon. "Si Kim, I guess kung titingnan ang track record niya, sa mga teleserye, siya lang naman ang ganun. Nag-iisa lang si Kim. Pero siguro more than saying No. 1 si Kim, ang maganda na lang sabihin ay 'nag-iisa si Kim Chui.' "Sarah isn't doing teleseryes, but just like I said, she's the Box-Office Queen and the Concert Queen. Now, I'm praying for Kim na sana yung movie niya with Gerald [Anderson] would also be a box-office hit dahil yun ang kulang para makumpleto na siya." Ikinagulat ng iba na tinanggap ni Kris ang role bilang ina ni Kim. "Okey lang kasi pinatanda lang naman ako dun ng four to five years, so puwede na. Saka mayroon namang flashback dun na younger ako, and if you're an actress naman, kung maganda ang role, di ka na mag-iinarte-arte pa diyan," sabi niya. *snipped
|
|
|
Post by nicky on Nov 3, 2009 6:14:05 GMT 8
Credit: Melba Llanera, PEP Sam Milby on rumored reconciliation with Anne Curtis: "We are not back together."Sa muling pagde-date nina Sam Milby at Anne Curtis at ang closeness na nakikita sa kanila, marami ang naniniwalang nagkabalikan na ang dating magkasintahan ngunit itinatago lang daw ito ng dalawa sa publiko. May lumabas ding balita na si Anne daw ang gumawa ng paraan para sa pagbabalikan nila ni Sam, bagay na agad namang binigyang linaw ng Fil-Am actor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng ABS-CBN. "That's not true, we are not back together," tanggi ni Sam. "I know a lot of people are probably thinking that way, pero hindi kami nagkabalikan. Nag-break kami last year. Dumaan din kami sa ilang stage and we outgrew that. "Now, we hang out a lot. We go out and hang out with friends and even have dinner. We don't want to insist anything, we're just enjoying what we have right now. Kung yun ang mangyayari, let things happen naturally. We did share something deep before, but I can't say we're starting over things. It's not like that," paglilinaw niya. TEAM-UP WITH BEA. This year ay ipinareha si Sam kay Bea Alonzo sa pelikulang And I Love You So, at mainit ding tinanggap ng publiko ang pagtatambal nila sa Your Song Presents. Dahil dito, marami raw tuloy fans ng Bea-John Lloyd Cruz loveteam ang nangangamba na nagkakaroon na rin ng hukbo ng mga tagahanga ang tambalang Sam at Bea. Ano ang reaksiyon dito ni Sam? "I don't think they should be threatened naman," sabi ni Sam. "I think when you are paired with other people, you grow as an actor and as an actress, and I think that's what they wanted to do. "I'm sure they also reacted when Sarah [Geronimo] and John Lloyd's movie really became a hit also. I hope they are not threatened. They're having another movie, malakas talaga yung following nila. For me, by heart, two of the most talented actors and actresses are Bea and John Lloyd." Sam also expressed his gratitude sa pagsuporta ng avid followers ng John Lloyd-Bea fans sa And I Love You So. Masaya ring ibinalita ng aktor sa PEP na ang nasabing pelikula ang highest grosser sa lahat ng pelikula ng Star Cinema na nagkaroon ng international screening. "I'm very happy and thankful dahil yung mga international screening sa TFC, yung movie namin ni Bea ang pinaka-highest grossing sa lahat ng mga international screening. I wanna thank all the viewers and John-Bea fans 'cause they also supported our movie." ANG TANGING PAMILYA. Sa November 11 ay ipalalabas na ang kinabibilangang pelikula ni Sam, Ang Tanging Pamilya, under Star Cinema. Kasama niya rito sina Ai-Ai delas Alas, Toni Gonzaga, Mommy Dionisia Pacquiao, at former President Joseph Estrada. Ayon kay Sam, maraming dapat abangan sa pelikula nilang ito. "It's an honor, siyempre it's the Comedy Queen [Ai-Ai], the former President, plus Mommy Dionisia on her very first movie—ako ang anak niya sa movie—so it's a big privilege and honor. It was a lot of fun kasi ito yung first movie ko na talagang comedy na comedy. May mga comedy movies ako na ginawa dati, pero romantic comedy tapos umiikot yung kuwento sa amin ni Toni. But ito, comedy na comedy talaga. "Kami naman ni Toni," patuloy niya, "what's great about her after two years na hindi kami nagkasama sa mga movie, hindi siya nagbago. She was really nice, she was a fun person on and off screen, she's really funny... And maybe that's the reason why on screen, may chemistry kami. Kasi off screen, we really get along well." Kung ang iba ay natatali sa mga ka-loveteam nila, hindi naman ito naging problema kay Sam. Kahit kanino siya ipareha ay kumikita ang mga pelikula at nagre-rate ang mga show na tinatampukan niya. "I've been teamed up with Toni, I've been teamed up with Anne, with Angel [Locsin], with Bea... Pero kahit sinong i-team up sa akin, the public still support me," pagsusuma ni Sam nang walang halong pagmamalaki. SHOP AND SHARE. Speaking of Anne and Angel, isa si Sam sa mga artistang sumuporta at nagbigay ng gamit niya sa Shop and Share project ng dalawang aktres. After i-donate ang gitarang may sentimental value kay Sam, nangako ang aktor na dadagdagan pa niya ito.
"I already gave my guitar na ginamit ko sa And I Love You So, sa Tanging Pamilya, and sa solo concert ko last year. It's a for a cause naman and I hope na it's sold for a good price naman para maraming mga nangangailangan na matulungan.
"May idadagdag pa akong ibibigay, yung mga clothes na ginamit ko before sa mga shows and movies ko, bags din, and even shoes. Of course, whatever I can give na makakatulong sa iba," saad ni Sam.
Sa ngayon ay wala sa bansa si Sam. He's with John Lloyd, Bea, and Piolo Pascual for their Heartthrobs concert in Europe. Babalik si Sam ng Pilipinas in time for the premiere night of Ang Tanging Pamilya on November 10.
|
|
|
Post by nicky on Nov 3, 2009 12:49:55 GMT 8
Credit: Mario Bautista, Malaya[/b] *snipped It’s said the movie will be shown on Valentine’s to be pitted against Richard Gutierrez’ own annual Valentine offering. Aside from the movie with Bea, Lloydie will also do a new TV series that pairs him for the first time with Angel Locsin. "It’s my first time to work with her so I’m looking forward to it. I’m sure it’ll be a great experience. Meron ding plan for me and my co-members in Kanto Boys, our group in ‘ASAP,’ to do a movie together, sina Vhong Navarro, Luis Manzano and Billy Crawford. Sana nga matuloy din yun kasi a lot of people tell me they enjoy seeing us perform together in ‘ASAP.’ I’m sure the movie will be a riot."
|
|