|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 5:06:42 GMT 8
October 27, 2009 04:59 PM Tuesday Article read 1,606 time(s) Angel, nagsalita na sa isyu kay Luis at sa Viva By: Vinia Vivar Finally, binasag na rin ni Angel Locsin ang kanyang katahimikan sa matagal nang usap-usapang splitup nila ni Luis Manzano. Nakausap namin siya sa dressing room ng The Buzz last Sunday at kinumpirma niyang hiwalay na nga sila ng aktor-TV host. “Siguro, very clear na rin sa mga tao na hindi na kami kahit hindi kami nagsasalita. So, masasabi ko lang na ’yun, wala na kami, mga apat na buwan na,” pagkumpirma ni Angel. Kung anuman ang dahilan, ayaw na raw niyang magsalita pa dahil kanya na lang ’yon, lalo na sa isyung may third party na involved sa parte ni Luis. “Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin, so, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita,” sabi ng aktres. May communication pa rin naman daw sila at nag-uusap naman although may time rin daw na hindi sila nag-uusap. Kung may chance ng reconciliation ay ayaw nang magsalita ni Angel nang tapos dahil hindi raw natin masasabi talaga ang puwedeng mangyari. Nilinaw din ni Angel ang isyung lilipat siya sa Viva Films at aalis na sa Star Cinema. “Hindi po ako lilipat. Nagulat na nga lang ako na may ganu’n. Hindi po totoo, kagagaling ko lang sa transfer, parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako,” natatawa niyang say. “Ang alam ko, si Tita Becky (Aguila, her manager) ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie (Concepcion) and Jennylyn (Mercado). Baka siguro, dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka, akala, ako.” Inamin niyang nag-expire na ang kontrata niya sa Star Cinema at siguro, isa na rin ito sa reasons kung bakit may lumutang na balitang lilipat na siya. “Ganu’n lang talaga ang kontrata, natatapos. Pero magre-renew na po ako ng two years ulit. Nandiyan na ’yang draft, hindi lang namin naasikaso noon kasi nga, ’di ba, sa bagyong Ondoy at Pepeng?” sabi niya. Kinumpirma rin niyang tuloy ang movie nila ni Aga Muhlach at excited na siya about it lalo pa nga’t isang magaling na direktor ang hahawak nito, si Olive Lamasan. Samantala, kahit loveless siya ngayon, sinigurado naman ni Angel that she’s okay. Abalang-abala siya sa charity works para sa nasalanta ng bagyo at nagtatag pa nga sila ni Anne Curtis ng Shop and Share project, na ang layunin ay makatulong din sa mga binagyo’t binaha. Ang nasabing proyekto ay may website na www.shopandshare.ph kung saan ang designer items ng mga artista ay ino-auction. Ang kikitain dito ay didiretso sa Red Cross para sa isinagawang relief operations. “Sobrang overwhelming ang response ng tao, eh. ’Yung may bid na mas mahal na siya ru’n sa talagang presyo niya, ’yung ganu’n. ’Yung ibinebenta namin, sobrang baba, pinakamababa siya kesa sa eBay, nag-research kami and sobrang one-fourth na lang ng price niya. “Pero nakakatuwa ’yung mga tao dahil sa kagustuhan nilang makatulong, kahit lumalampas na ’yung bidding sa original price, sa brand-new price, nagbi-bid pa rin. Nakakatuwa rin naman,” pahayag ni Angel. Nagsimula ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagte-text ni Angel sa mga kapuwa niya artista na baka puwede silang mag-donate ng anumang maitutulong. “Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height ang level ng energy, sobrang excited din siya. “Nakakatuwa si Anne, ’yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya, pareho ko rin ’yan na hindi rin natutulog sa Shop ang Share, sobrang hands-on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin (na ina-upload sa Net). Ang galing ni Anne.” May participation din daw si Raymond Gutierrez, best friend ni Anne, dahil ito ang nakaisip ng pangalang Shop and Share. “Actually, marami talaga kami rito, nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kundi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi ’yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan.” So far, marami na nga raw nag-donate tulad nina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion at marami pang iba. “Si KC, nakakatuwa kasi ang binigay niya brand-new na Balenciaga and Givenchy bags,” proud na sabi ni Angel. Isa pang tiyak na pag-aagawan ay ang donation ni Manny Pacquiao na sapatos. “Pinuntahan ko pa talaga, 8 a.m., nakakatuwa, dinoneyt niya ’yung shoes na ginamit niya since day 1 ng training niya sa Baguio. At memorable ’yon, kasi ’yon ang ginamit niyang rubber shoes nu’ng Ondoy at Pepeng. Saka ’yung shorts niya, may nakalagay na Manny Pacquiao, saka may pirma niya.” Pati ang dating sikat na boxer na si Freddie Roach na siyang trainer ngayon ni Pacman sa Baguio ay nag-donate rin at may pirma rin daw nito sa likod. Nang kausap namin si Angel, hindi pa raw nila nire-release sa website ang naturang items nina Pacman at Roach, pero baka pag-uwi niya, gawin na niya ito, kaya paki-check na lang sa Shop and Share website dahil for sure, isa ito sa pag-aagawan.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 5:40:22 GMT 8
Is Angel moving to Viva, too?
--------------------------------------------------------------------------------
abs-cbnNEWS.com | 10/26/2009 1:06 PM
MANILA – Amid persistent rumor about her purported impending transfer to Viva Films, Angel Locsin finally set the record straight on “The Buzz” Sunday.
Locsin maintained that she remains a Kapamilya star and one of Star Cinema’s contract artists.
“Kagagaling ko lang sa isang matinding transfer. Wala po akong planong pagdaanan ulit ang mga pinagdaanan ko noon,” Locsin said, referring to her controversial move to ABS-CBN from rival network GMA 7 in 2007.
When she first heard the rumor, she said she laughed it off and dismissed it as a joke.
“Tapos nabasa ko na nga sa dyaryo. Hindi naman natin masisisi ‘yong taong nagsulat noon kasi ang tagal nga nilang hindi ako nakikita sa TV. Pero hindi po, walang katotohanan ‘yon,” she said.
The actress admitted though that she regretted turning down Regal Films’ “Mano Po 6.” She explained that it is her dream to work with Megastar Sharon Cuneta.
Locsin was supposed to play Cuneta’s daughter in the movie but due to her busy schedules Locsin’s camp had declined the offer. The role went to Heart Evangelista, a former ABS-CBN star.
“Pero anytime bukas ang pinto ko. Sana lang po huwag magsarado ang pinto niyo,” she said.
Speculation about her leaving Star Cinema surfaced after Claudine Barretto signed a two-film contract with Viva Films. Barretto's decision caught many by surprise since she is a long-time talent of ABS-CBN.
Barretto, however, assured that she remains a Kapamilya and that she just "wants a little freedom" to pursue film projects.
Projects
Locsin was one of GMA 7’s biggest stars when she signed an exclusive contract with ABS-CBN.
Since her transfer, the actress did one movie under Star Cinema, “Love Me Again (Land Down Under),” where she was paired with Piolo Pascual. She also played the female leads in “Only You” and “Lobo” and appeared in two episodes of “Maalaala Mo Kaya.”
On top of her numerous TV guestings, she also hosts musical variety show “ASAP ’09” along with other ABS-CBN talents.
Reports said Star Cinema has already lined up two projects for her this year. She will reportedly be paired with Aga Muhlach in one film. Chito Roño will reportedly direct her other movie project.
as of 10/26/2009 3:49 PM
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 6:15:15 GMT 8
snipped.. 2009 Hottest Love team on TV Starmometer..www.starmometer.com/2009/10/26/gerald-anderson-and-kim-chiu-2009-hottest-love-team-on-tv/Placing second with 19% of the votes are the love team of Sam Milby and Angel Locsin. After being paired with Piolo Pascual in the fantaserye “Lobo”, Angel’s second primetime series on ABS-CBN was the remake of the Koreanovela “Only You.” This time she was paired with Sam Milby. Both Angel and Sam have distinct personalities that spells “chemistry” when joined together. True enough, their love team was well received by fans.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 6:20:18 GMT 8
23rd Star Awards for Television – 2009 Nominees
Best Drama Actress:
Claudine Barretto (Iisa Pa Lamang, ABS-CBN) Agot Isidro (Tayong Dalawa, ABS-CBN) Angel Locsin (Only You, ABS-CBN) Angelica Panganiban (Iisa Pa Lamang, ABS-CBN) Gina Pareño (Tayong Dalawa, ABS-CBN) Cherry Pie Picache (Iisa Pa Lamang, ABS-CBN) Cristine Reyes (Eva Fonda, ABS-CBN)
|
|
|
Post by nicky on Oct 27, 2009 14:22:22 GMT 8
Credit: Alex Valentin Brosas, Manila BulletinAga Muhlach: Soon a Kapuso?October 27, 2009, 1:23pm Will Aga Muhlach transfer to GMA-7? A recent report alleged that the dramatic actor had just clinched a big deal with the network; particularly, as Richard Gomez’s replacement in the franchised game show, “Family Feud.” Richard had already announced during a recent press huddle for the show that he is running for congressman in Ormoc, the province of his wife Lucy Torres. This means that Richard will be out of the show for some time, especially after he makes his candidacy official in November. Meanwhile, Aga was reportedly sighted inside the Kapuso compound recently, fueling the rumors all the more. However, a source said that Aga changing allegiance is impossible. While it may be true that Aga was a recent visitor in the Kapuso network, the actor had also just finished shooting a scene for the Holiday station ID for the Kapamilya network. Aga has had no regular TV show since his ABS-CBN sitcom was axed a few years ago. And although it has been rumored that he'll be working with Angel Locsin in a movie for Star Cinema, nothing has been finalized as of this writing. The actor’s most recent movies were with Maricel Soriano and Angelica Panganiban titled “A Love Story” and with Anne Curtis in “When Love Begins.”
|
|
|
Post by nicky on Oct 27, 2009 14:23:03 GMT 8
Annalyn S. Jusay, Manila Bulletin blogThe rise and rise of StarmometerOctober 27, 2009, 1:21pm Excerpts of our interview with Chris Diestro, the man behind the Philippines' top entertainment blog Starmometer (found at http://www.starmometer.com). Q. Please tell us the history of Starmometer. What made you decide to launch an entertainment blog? Do you maintain other blogs? A. Why “Starmometer”? Well it’s a coined term using the words “star” and “thermometer”. The site is an instrument measuring the hottest celebrities, the hottest events and the hottest news in the entertainment industry. And by “hottest” we mean the latest, the freshest and most updated showbiz news. My tagline for Starmometer is "Your Total Entertainment Blog." By the word "total" I aimed to cover a wide scope in entertainment - from tv to music, movies to sports, fad to fashion, news and celebrities, it’s all here! My pitch is to make Starmometer engaging to its readers by posting thought-provoking articles that are easy to read and understand. Aside from Starmometer, I am also maintaining www.pinoypower.net and www.phstars.com. Q. What has been the most exciting part of your blogging since you started Starmometer? A. At first I'm having difficulty in maintaining the website because on the first month that I was blogging, i was also getting myself oriented with the platform (Wordpress) and learning html and php programming at the same time. The process was trial and error. But when the site started to pick-up more readers, that's when the excitement began. On my first year of blogging, the site has been receiving 300,000 page impressions a month. It doubled in 2007. Now, Starmometer is currently receiving an average of 1 million page impressions a month. Learning that more people are added each month reading my posts and that they continue to visit the site, i must say, it is the most exciting and rewarding part of this hobby. When I receive positive feedbacks from my readers, it really warms my heart and inspires me to continue. When I receive negative feedbacks, it drives me to improve. Another exciting part of this blogging thingy was when Starmometer was featured on television. Our poll on the 100 Most Beautiful Women in the Philippines was featured on TV Patrol World. Some articles that I wrote were also featured in other programs such as Showbiz News Ngayon, etc. And when the stars on ASAP mentioned my site, it was music to the ears! One of the perks was getting invited to various press conferences where I was able to meet and talk with celebrities! SStars that I was able to rub elbows with were Maja Salvador, Nikki Gil, Kim Bum of Boys Over Flowers, Piolo Pascual, Sandara Park, KC Concepcion, Jason Abalos, Phoemela Barranda, etc. The bonus part was when Starmometer made it as a semi-finalist in the Philippine Web Awards 2008 in the Best Blog Category, Starmometer was also a finalist in the 2008 and 2009 Philippine Blog Awards. Q. Who among the entertainment personalities would you like to meet, and why? A. I want to meet Lee Min Ho of Boys Over Flowers because I was hooked in watching his Koreanovela. And of course Angel Locsin because she topped our online poll "100 Most Beautiful Pinays" for four years in a row! I also want to meet Marian Rivera kasi puro kapamilya stars pa lang ang nami-meet ko (and there's something about her that people love to hate and I find it intriguing). Q. Can you share some tips on being a successful entertainment blog? A. Coming up with thought-provoking and engaging articles that are easy to read and understand. I'm not trying to impress the readers by using highfalutin words, instead, I choose the ones that can be easily understood. They say in order to get more traffic, the blogger should post topics that will become prominent in search engines like Google and Yahoo. I think its only a temporary thing. I say the blogger should blog to his readers and not to the search engines and traffic will not become temporary. Q. What do you think are the elements of a good (entertainment) blog? A. I think one additional element of a good entertainment blog aside from the things that i mentioned is posting discussion starters for the readers. I came to know who my readers are and what kind of articles they want to see on the site. Because of this, the blog was able to be a channel for interesting conversations, debates, sharing of ideas and networking.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 16:01:50 GMT 8
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 27, 2009 16:38:26 GMT 8
Angel Locsin, kinumpirmang wala na silang relasyon ni Luis ni Reggee Bonoan Balita newspaper October 27, 2009
Nag-iipon ng pambili ng rubberboat at helicopter
SA si Angel Locsin sa special guests ng The Buzz para sa birthday celebration ni Boy Abunda at dahil mahirap hagilapin ngayon ang aktres ay isa na kami sa nakigulong kausapin siya. Diretsahan na agad ang tanong namin sa aktres. Kumusta na siya pagkatapos ng bagyong Ondoy? "Heto, maraming natutuhan, nag-iisip, kasi hindi natin alam kung may ganu'n uling darating, paano na ang ibang kababayan n?" sagot ni Angel. Inamin ni Angel na nag-iipon siya ngayon ng pambili ng rubberboat at helicopter para in case na maulit ang nangyari ay pangsagip na siya. "Kasi paano mo masasagip ang mga kababayan mo kung wala kang helicopter? E, puro na tubig-baha, walang makakadaan. ng una, dinededma ko ang mga `yan, ngayon, importante pala na may ganu'n ka rin. Pero matagal pa siguro, mahal ang copter, kaya mag-iipon muna, kailangan kong magtrabaho," nakangiting sabi ng aktres. Inamin ni Angel na napagalitan nga siya ng daddy niya nu'ng panay ang withdraw niya para sa mga nasalanta ng bagyo. "Siyempre, hindi naman po natin masisisi ang ama ko, kasi siya ang in-charge sa finances ko at gusto rin naman niyang ulong talaga, `kaso wala naman pong pumapasok na pera sa akin ngayon, puro palabas kaya medyo napagalitan ako. "Sabi niya, Angel we have so many bills to pay, kailangan mong magtipid, okey lang kung may income ka, e, wala an. Actually, ilang buwan na nga pong wala, so ganu'n... at naintndihan ko naman po si Daddy," kuwento ng aktres. At dahil hindi kapos siya ng cash, naisip niya at ng kanyang mga kaibigan ang Shop and Share website na may auction ng personal nilang gamit, at ang perang mapagbebentahan ay itutulong sa biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. "Ang sarap nga po ng feeling kasi maraming artista ang nagbigay ng mga personal nilang gamit, kaya abut-abot ang pasalamat a kanila, grabe, kulang ang thank you ko sa kanila dahil super successful ang Shop and Share project. "Nakalikom na kami ng $12,000 (P564,000) sa first batch at second batch na itong inihahahada namin. May naka-schedule aming 8 batch, kaya heto aligaga kami sa pag-aayos. "For shipping (abroad) na nga `yung tatlong items na nabenta at sinamahan namin ng thank you notes, kasi siyempre heroes nag-donate sila para sa mga nasalanta," kuwento ni Angel. Nakita namin na bitbit ni Angel ang 4 na Louis Vuitton bags ni John Lloyd Cruz at branded denim pants naman ni Vhong arro na donasyon din nila para sa Shop and Share. Inusisa rin namin ang aktres tungkol sa Hermes bag na dalawang beses lang pala niya nagamit pero ipina-auction na niya. "Oo nga, sobrang ingat na ingat ako, kasi siyempre Hermes, in-auction ko, paborito ko `yun, e. Medyo nahirapan nga akong go, pero mas nanaig `yung gusto kong tumulong kaya isinama ko na rin. "Gusto kong mag-set ng example na kaya kong i-sacrifice ang paborito kong gamit para tumulong at nakakatuwa nga kasi ami ring nag-donate ng paborito nga nilang gamit. Kasi malaki ang kikitain nu'n," paliwanag ni Angel. Samantala, klinaro ni Angel ang napabalitang paglipat daw niya sa Viva Films. "May mga nagsabi nga at nabasa ko rin sa diyaryo, hindi rin naman natin masisisi siguro `yung taong nagsulat kasi matagal ila akong hindi nakikita sa TV, pero hindi totoo `yun. "Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique (del Rosario-Corpus) at saka kakagaling ko lang sa isang inding transfer kaya wala po akong planong pagdaanan ko ulit `yung mga hirap na dinanas ko noon," sabi ng aktres. Natatagalan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Aga Muhlach sa Star Cinema, kaya inakala siguro ng ibang reporters na ved na `yun? "Medyo nga po natagalan, pero baka this November or next year tuloy na," sabi ni Angel. "Gusto ko pong makatrabaho si a Aga Muhlach talaga, siyempre naman." Inamin din ng aktres na nanghinayang siya na hindi natuloy ang pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6 ng Regal Films.
"Oo nga, ayoko naman pong magpaka-plastic na sabihin kong hindi, siyempre sobrang nanghihinayang dahil alam naman ng lahat na gusto kong makatrabaho talaga si Megastar Sharon Cuneta. Nagpaalam naman ako kay Tita Malou (Santos) sa project at pumayag naman siya.
"Okey na po kami ni Mother Lily (Monteverde) dahil Regal baby naman talaga ako. Maski na ano'ng sabihin Regal baby talaga ako kasi doon ako nag-umpisa, gusto kong maayos ang lahat.
"Siguro sa susunod na lang, anytime naman ay bukas ang pinto ko for Mother (Lily) at sana huwag lang magsara ang pinto nila (Regal Films)," paliwanag ng dalaga.
At tungkol sa lovelife, finally, inamin na ni Angel na, "Wala na kami ni Luis (Manzano), may closure na, pero kailangan pa naming mag-usap dahil marami kaming dapat iklaro sa aming dalawa."
Simula nu'ng maghiwalay sina Luis at Angel ay dalawang beses pa lang silang nagkita, nu'ng Linggo sa taping ng ASAP '09 dahil hinintay nga ni Angel si Lloydie para kunin ang mga donasyong LV bags, sa dressing room, at nagpang-abot sila ng ex-boyfriend niya at nakita namin na nagbatian naman sila.
"Okey naman kami, hayan nagbatian, pero hindi pa nag-uusap talaga, gusto niya, e, kaya gusto ko rin para maklaro nga.
"Sa ngayon, hindi ko masabi kong handa na akong umibig pa, pero kailangan ko sigurong mahalin muna ang sarili ko at `pag na-feel kong ready na, siguro that's the time na. As of now, wala pa akong nararamdaman na papasok ako (uli) sa isang relasyon.
"Saka engaged na ako ngayon, engaged ako sa pagtulong ko sa mga kababayan ko. Hindi ko ma-explain, pero ganu'n ang nararamdaman ko," paliwanag ni Angel.
Itinukso namin siya kay Sam Milby na crush siya noon pa.
"Naku, magkaibigan kami ni Sam at kapatid ang tingin ko sa kanya, little boy pa rin siya sa akin kasi napaka-pure ng puso niya, kaya ganu'n ang trato ko sa kanya. Sobrang bait ni Sam at iba na ang level ng friendship namin nu'ng nag-Only You kami, kaya iba si Sam," papuri ng aktres sa dati niyang leading man.
Oo nga, mukhang malabo namang maging sila ni Sam dahil may Anne Curtis (pa rin) ang actor.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 28, 2009 15:46:07 GMT 8
John Lloyd Cruz expects ticklish first-time teamwork with Angel Locsin
Melba Llanera
Wednesday, October 28, 2009 08:26 AM
Rating
Reigning Box-offce King John Lloyd Cruz inked another two-year contract with the Kapamilya network last Monday, October 26. In almost one decade of his showbiz career, John Lloyd already made his own niche in the industry as one of the best dramatic actors of his generation.
In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) after the contract-signing, the actor expressed his elated gratitude for all the good projects that his mother studio gives him.
"Siyempre, bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon, bibihira ang nakaka-experince ng ganitong klaseng pagtitiwala mula sa ganitong kalaking kumpanya, mula sa isang napakalaking miyembro ng executive world ng ABS-CBN. Hindi yun madalas sa mga kagaya namin, so talagang punung-puno ako ng pasasalamat.
"Kailangan kong maging maingat. Siyempre, pag pinagkakatiwalaan ka, malaki rin yung ine-expect sa iyo. Siyempre, hindi naman yun ganung kadali. Maraming dapat na i-consider na factors, like yung timing, yung mga materials na gagawin mo. Maraming dapat isipin, maraming dapat alagaan. Masarap na may nagtitiwala sa iyo, especially pag ganyan kalaking pagtitiwala ang inaabot sa iyo, pero malaking trabaho from my end and dapat kong ibigay o isukli," tuluy-tuloy na pahayag ni John Lloyd.
Noong isang buwan pa dapat pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si John Lloyd, pero dala ng mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ito nangyari agad.
"Well, ito, finally nangyari na siya. Medyo matagal-tagal ko ding hinintay ang panahon na ito, kasi maraming inayos. At yun nga, sabi sa akin ni Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive], alis daw ako nang alis. When I was about to sign a month ago, nagkasakit naman ako, so hindi natuloy. But now, ito na.
"It's a two-year contract. Bale may teleserye and, of course ASAP. Yun ang mga naka-stipulate sa contract ko," banggit ng aktor.
SOAP WITH ANGEL. Kinumpirma ni John Lloyd na ang teleseryeng gagawin niya ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin.
"After ng movie ko with Bea [Alonzo] na lalabas by February, babalik na ako sa TV, kasama ko si Angel Loscin. Sa tingin ko, punung-puno ito ng awkwardness na sa tingin ko natural lang naman. Kailangan lang trabahuhin coz kami naman din ni Bea, nagsimula kami na di kami halos nag-uusap. Kami ni Sarah [Geronimo], ganun din naman. Lahat dapat magsimula somewhere," saad ni John Lloyd.
Naikuwento rin ng aktor na noong kinunan sila ni Angel para sa station ID ng ABS-CBN ay nakaramdam siya ng pagkailang.
"Kahapon [Oct. 25], nag-shoot kami ng station ID. Masaya, okey naman kami. Magkakilala naman kami, matagal na kahit hindi pa kami nagkakasama sa TV. Kaya lang, ako talaga naiilang pa ako. Pinaakbayan lang siya sa akin, hindi ko siya maakbayan. Nakakailang lang, pero sobra akong interesado sa team-up namin. Sobra akong interesado sa magagawa namin together na trabaho. Naniniwala ako sa mga energy niya, kita ko, ramdam ko siya."
Hindi kaya ang dating boyfriend ni Angel at kaibigan ni John Lloyd na si Luis Manzano ang dahilan kung bakit siya naiilang sa aktres?
"Wala naman akong dapat ikailang because of Luis," sagot ni John Lloyd. "I will joke about it as often as I want to, but it's a joke. A joke is a joke. Kilala ko si Luis, alam niyang trabaho ang lahat. Walang rason para magkailangan dahil kay Luis o sa kahit na kanino pa mang tao. Ang pinanggagalingan lang ng pagkailang ko ay may bago na naman akong makakasama."
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 28, 2009 16:01:28 GMT 8
Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva
Glen P. Sibonga
Wednesday, October 28, 2009 01:16 PM
Rating
Isa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.
Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.
Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.
Bago nagsimula ang interview ay kaagad na binati ni Angel si Boy, "Na-miss ko kayo, Tito Boy, happy birthday!"
Mabilis namang pinasalamatan ni Boy si Angel at sinabi pang malaking bagay para sa kanya ang pagpunta ni Angel nang hapon na iyon sa The Buzz.
SHOP AND SHARE. Sinimulan ni Boy ang interview kay Angel sa pagkumusta sa inilunsad na proyekto ng aktres na Shop and Share, kung saan nangalap sina Angel ng mga gamit ng mga celebrities na ipinapa-auction. Ang perang mula sa nabiling mga items ay ibibigay sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.
Boy: Kumusta naman, how is it doing, yung Shop and Share?
Angel: Sobrang nakakatuwa na... kasi yung iba nagrereklamo na ang mahal daw nung bidding. Pero yung binigay kasi naming starting price sobrang baba, as in nasa one-fourth lang yata nung original price. Pero dahil ang mga tao, sa kagustuhang tumulong kahit na lumalampas na siya dun sa original price niya, dun sa brand new price niya, basta makatulong, bid lang nang bid.
Boy: As of now ba, Angel nakamagkano na kayo?
Angel: Natapos na po natin yung first batch natin sa Shop and Share, meron tayong pina-bid na pitong items. Ngayon nag-e-expect po kami na makakakuha kami ng... kasi nabili na po, e, mga nasa twelve thousand dollars na po. 'Tapos ngayon po magre-release kami... kasi yung iba ang akala puro mga mamahaling gamit lang. Pero kasi, sa amin kasi, mas gusto namin yung, 'Eto, espesyal na gamit namin. Ibibigay namin para lang makatulong.'
Nilinaw rin ni Boy na wala sa presyo kung gaano kamahal ang items na ipinagbibili kundi kung gaano kahalaga ang mga ito sa mga artistang nagmamay-ari ng mga gamit. Agad naman itong sinang-ayunan ni Angel.
Boy: Angel, tanong ng bayan, you've been doing a lot quietly, consistently mula noong... bago pa nga mag-Ondoy e, you've been doing a lot of things for this country, for the community. Ang tanong, why are you doing this?
Angel: Why? Actually, Tito, sa akin kasi parang, bakit hindi, e, obligasyon natin bilang Pilipino na tumulong sa kapwa natin Pilipino, di ba? I mean, siyempre, kung ako yung nakalagay dun sa ganung sitwasyon, nag-e-expect din ako na meron akong kamay na mahahawakan. Ganun lang, parang kung ano lang yung kaya kong ibigay sa kapwa ko. Ang mga taong ito, sila ang naglagay sa akin kung nasaan ako ngayon, bakit hindi ko kayang suklian?
ALMOST SHIFTED CAREER. Isang malaking rebelasyon naman ang sumunod na pahayag ni Angel.
Boy: Angel, itong karanasan mo, itong pagtulong ninyo... I like it when you said kayo kasi instrumento ka lamang at ang ating mga kasamahan dito sa industriya. Pero ang tunay na tumutulong, kasama kayo, kasama tayo ay ang taong bayan, hindi ba? Pero itong karanasan mo sa Ondoy at saka sa Pepeng, what is life-changing? Somebody told me na parang nagbago ang iyong pananaw sa buhay?
Angel: Muntikan na akong mag-shift ng career, e. Kung ako lang po yung masusunod, ha, gusto kong mas makatulong pa. Kaya lang, siyempre, kailangan ko ring magtrabaho, kailangan ko ring kumita, para makatulong. Mahal ko rin naman itong ginagawa ko. Nag-e-enjoy rin ako. Pero parang muntikan na akong... ano kaya kung gawin ko ito every day. Kasi hindi lang ito yung problem. Hindi lang porke't dumating si Ondoy at si Pepeng, nagkaroon tayo ng problema. Kahit noon marami na tayong problema.
NOT TRANSFERRING TO VIVA. Sumunod na nilinaw ni Angel ang intrigang lilipat na siya ng Viva from Star Cinema. Diumano'y nakipag-meeting na raw siya sa excutives ng Viva.
Boy: Pero habang ginagawa mo ang lahat ng magagandang bagay dito sa iyong buhay at para sa kapwa nating Pilipino na nagangailangan ng tulong ay hindi ka pa rin tinitigilan sa mga intriga. Ang pinaka-latest, ikaw raw ay lilipat ng Viva at naghiwalay na naman daw kayo ng iyong manager na si Becky Aguila, na nandito ngayon sa studio. Iiwan mo na raw ang Star Cinema. Once and for all, sagutin mo 'yan.
Angel: Akala ko noong una, parang joke. Pinagtatawanan ko pa nga siya kasi ang tagal ko na kasing hindi nagtatrabaho, di ba? Sinabi niya [Becky] sa akin, 'tapos natawa lang ako. 'Tapos nabasa ko na nga sa diyaryo. Hindi naman natin siguro masisisi yung taong nagsulat noon kasi ang tagal na niya akong hindi nakikita sa TV.
Pero, hindi po, wala pong katotohanan yun. Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique [del Rosario, Viva Films executive]. Pero wala naman pong ganun. At saka kagagaling ko lang po sa isang matinding transfer. Parang wala po akong plano na pagdaanan ulit yung mga pinagdaanan ko noon.
Boy: Ang iyong proyekto with Aga Muhlach, kumusta naman?
Angel: Hindi po, kasi... pero sabi po ng Star Cinema, 'eto pong November, baka matuloy... or next year. Gusto ko po kasing makatrabaho si Kuya Aga po.
OPEN TO DO A REGAL FILMS MOVIE. Alam na ng lahat ngayon na si Heart Evagelista ang magiging anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, under Regal Entertaiment. Una ngang kumalat noon na gusto ni Sharon ay si Angel ang gaganap bilang anak niya. Pero hindi nga natanggap ni Angel ang movie dahil na rin sa exclusive contract niya sa Star Ciema.
Boy: Wala bang panghihinayang kahit konti?
Angel: Siyempre meron. Hindi naman ako magpapaka-plastic, kasi meron, e. Alam naman ng lahat na siya talaga ang gusto kong makatrabaho personally, si Ms. Sharon, gustung-gusto ko siyang makatrabaho.
At saka pinakiusapan ko talaga si Tita Malou [Santos , Star Cinema executive] at ang Star Cinema. Pumayag naman siya na maayos na yung lahat sa amin ni Mother [Lily Monteverde]. Kahit na anong gawin n'yo, Regal baby pa rin talaga ako. At gusto ko lang sanang maayos yun na, sige, gagawa ako ng pelikula, kahit nga libre.
Kaya lang siguro... bubusina lang ako kay Heart, ha, wala akong... I'm happy for her, pero siyempre parang mas may bagay dun sa role, ganyan. Mas napili lang siguro nila Mother. Pero anytime naman bukas lang din po ang pinto ko. Sana lang huwag magsarado yung pinto n'yo.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 28, 2009 16:07:16 GMT 8
cont....
Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva
Glen P. Sibonga
Wednesday, October 28, 2009 01:16 PM
Boy: Puso mo, kumusta naman ang lagay?
Angel: Okay naman siya. Hello. [sabay tingin sa kanyang dibdib.]
Boy: Daddy mo, kumusta?
Angel: Okey naman si Daddy. Ayun, nandun pa rin, nagba-bike sa bahay. Sobrang healthy pa rin siya. Binabantayan niya yung savings ko ngayon. Si Daddy, nakakatuwa kasi pinaplano niya lahat, yung investments ko, ganun. Para in the future kung hindi man ako magtagumpay dito sa ginagawa ko, meron akong mapaghuhugutan.
ANGEL SURPRISES BOY. Akala ng lahat ay tapos na ang interview pero may biglang ipinakiusap si Angel kay Boy.
Angel: Tito Boy, puwede bang humirit. Kasi parang lagi lang ikaw yung may tanong. Puwede bang ako naman ang magtanong sa iyo?
Boy: Teka muna, ha. Sorpresa ito.
Angel: Hindi naman kita papaiyakin. Pero okey lang, Tito Boy, feel free lang. Kasi di ba parang lahat, wala akong maisip na hindi pa dumaan sa iyo Tito Boy, di ba? Parang lahat nakaharap mo na at naitanong mo na halos lahat. Pero ano po kaya kung mag-isa ka lang, nakatingin ka sa 'Salamin,' tahimik ang lahat, nakatingin ka sa malayo, ano kaya yung isang tanong na tinatanong mo sa sarili mo, Tito Boy?
Boy: Wow... may mga panahon kasi, Angel, na kahit gaano ka kalakas, kahit gaano ka katapang, may mga bagay na hindi mo kaya. So, may mga bagay na hindi ka sigurado. May mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi ka puwedeng lumaban.
Ako pag mag-isa na lang ako, dalawang bagay. Una, parang when you're so blessed, I ask God na parang hanggang kailan ba ito? Pero you always say, I must have done something good in my life, to deserve all the blessings. Pangalawa, ay walang iyakan, ha. But no, I always ask God. I always say, hindi tanong, sinasabi ko sa Diyos na sana'y pahabain pa ng konti ang buhay ng Nanay [Lesing].
Angel: Bago ko tanungin ang birthday wish, sobrang na-touch naman ako doon.
Boy: Alam mo, I stop wishing for myself. Dahil wala na akong mahihiling pa, di ba? Parang basta masaya lang at malusog ang aking ina, at sana'y masaya at malusog ang lahat ng nanay sa Pilipinas, at sa buong mundo. Dahil pag masaya at malusog ang nanay ko, parang masaya at malusog na rin ako. That's a wish.
Pangalawa, kapayapaan ng loob, katahimikan, dahil sobra nang maingay minsan ang ating mga mundo. Pagmamahal. And I want to be a better person, I still want to be a better person and a lot of things. I want to be better to the people. I want to be forgiving. I want people to forgive me. Sana ako'y mapatawad din ng maraming tao na minsan ako'y nagkamali.
At sana'y mapatawad tayo ng ating kalikasan na matanggal na nating binabastos. Kaya tayo'y pinarurusahan. Yun lang yung mga bagay na sumasagi sa aking isipan. I realize na ang mga wishes ko para na sa mga tao mahalaga sa akin, mahal ko. Nanay, mga kaibigan, Pilipinas, this is a time in our lives I think when we have to love this country. Mag-isa lang yan, e.
Angel: Tito Boy, sobrang nakikita ko kung bakit maraming taong nagmamahal sa iyo kasi karapat-dapat ka naman talaga. Ako, Tito Boy, yung mga pinagdanan ko noon sa mga tao, hindi ko mapagdadaanan yun ng maayos kung hindi ikaw yung nasa tabi ko noon. Maraming salamat talaga. Pero yun talaga ang mensahe.
Boy: Di ba, this is the only country we have, the only life we have..? And it is our responsibility para maalagaan ito. Kaya sana malusog tayong lahat, lahat ng mga nanay at tatay na nagmamasid sa ating pag-uusap ngayon.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 28, 2009 16:22:29 GMT 8
------------------------ Angel Locsin at Luis Manzano, dedmahan sa dressing room – Pilar MateoHINDI RAW MAWAWAAN ni Angel Locsin kung saan na naman nanggaling ang mga balitang diumano, eh, lilipat na siya sa Viva Films sa pangangalaga ni Boss Vic del Rosario at ng anak nitong si Veronique. “Parang ano ba ‘yun? Ako itong galing sa paglipat, eh, lilipat na naman uli? Ang alam ko lang na rason kung bakit madalas sa Viva ang manager kong si Tita Becky (Aguila), eh, dahil din sa mga ‘kapatid’ ko sa management niya na sina Jennylyn (Mercado) and Valerie (Concepcion). Maybe, ‘yun ang isang reason kung bakit may mga nag-akala na pati ako ay ka-join na rin sa mga nine-negotiate roon ni Tita Becky. Who knows in the future, I might do a project with Viva Films? Pero ang alam ko kasing naka-set na gawin ko is a project with Aga (Muhlach) and sa Star Cinema ‘yon to be directed by Olive Lamasan,” esplika ni Angel. Dagdag pa ni Angel, masaya siya sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Cinema kaya ni hindi raw sumasagi sa isip niya ang tungkol sa paglipat. Nakatakda na nga raw siyang pumirma ng panibago niyang kontrata. Nananatili pa ring quiet sina Angel at Luis Manzano sa naging break-up nila na si Angel na rin ang nagsabing apat na buwan na rin pala! Sa nasabing taping nga, nagkasama pa diumano sa isang dressing room sina Angel at Luis. Nasa isang sulok lang si Luis habang abala naman si Angel sa kanyang laging bitbit na laptop para i-check ang mga nagbi-bid sa kanilang Shop and Share page. Hindi nga ba nagkibuan o nag-usap ang dalawa? May mga reporters na nakakita na nasa iisang silid lang sila. Pero para nga raw deadma lang. Siguro raw nagbatian lang, nagpapakiramdaman lang. Pero parang walang gustong gumawa ng first move![/
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 29, 2009 1:07:40 GMT 8
Auction for a cause Tuesday, 27 October 2009 21:55 Jherlyn Meneses | AJPress It’s been a month since typhoon Ondoy and Pepeng brought havoc in the lives of many Filipinos and yet up to now, there is still an outpour of help in the relief and rehabilitation efforts coming from different sectors to support those that have been affected. A lot of showbiz personalities joined forces as well in helping out the flood victims. Angel Locsin, a Red Cross Ambassador, spearheaded a campaign that will benefit typhoon victims and asked help from her celebrity friends—Anne Curtis, Dimples Romana and Kris Aquino to donate for her project called "Shop & Share." This is an online auction which showcases personal designer items of showbiz personalities whose proceeds will go to the Philippine National Red Cross’ disaster relief efforts. According to Philippine Entertainment Portal, Angel was overwhelmed with the positive feedback and response from people and was happy to know that so many of her colleagues wanted to help. Expensive personal items of celebrities such as Hermes, Prada, Louis Vuitton and Chanel are displayed for auction at www.shopandshare.ph. Here’s a list of celebrities who donated and the items they have shared: -Heart Evangelista (Tiffany and Co. ring and Fendi shades) -Pokwang (Louis Vuitton Magnolia Heels shoes) -Luis Manzano (Technomarine watches) -Kim Chiu (dresses and Louis Vuitton bags) -Maxine Magalona (Gucci and Coach bags) -Ruffa Gutierrez (Tory Burch bags and shoes) -Mariel Rodriguez (Kate Spade, Prada and Marc Jacobs bags) -Gerald Anderson (Oakley Eye Patch sunglasses) -Marian Rivera (classy and expensive dresses which she wore on events) When asked as to who donated the most expensive item, Angel simply answered that it really doesn’t matter, for everyone donated something that is special and important to them. For those who want to purchase items from your favorite showbiz personalities, visit www.shopandshare.ph and be one with their cause…Shop and Share! ( www.asianjournal.com ) ( Published October 28, 2009 in MDWK Magazine p. 3 )
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 29, 2009 1:13:47 GMT 8
ABS-CBN bags major Star Awards nominations
--------------------------------------------------------------------------------
by Napoleon Quintos, ABS-CBN.com
Top-notch Kapamilya actresses ruled the best drama actress category: Claudine Barretto, Angelica Panganiban, and Cherry Pie Picache for “Iisa Pa Lamang;” Agot Isidro and Gina Pareño for “Tayong Dalawa;” Angel Locsin for “Only You;” and Cristine Reyes for “Eva Fonda.”
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 30, 2009 8:30:47 GMT 8
www.journal.com.ph/index.php?issue=2009-10-30&sec=3&aid=106102Angel hindi na masagot kung mahal pa si Luis By: Chan-Chan Torres EksenadoraPara kay Angel Locsin, welcome ang anumang tulong na ibibigay ni Luis Manzano sa kanyang proyekto para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng. Ayon kay Angel, walang problema sa kanya kung nais tumulong o mag-donate ni Luis sa Shop and Share project nila ni Anne Curtis. Aniya, kung sino raw ang gustong mag-donate at magbigay ng kanilang pledges, bukal sa loob nilang ta-tanggapin para sa ikauunlad ng kanilang adhikain. Kinumusta si Angel ang SNN (Showbiz News Nga-yon) tungkol sa kanilang da-lawa ni Luis pero paiwas pa rin ang sagot ng dalaga. May mga tsika kasing four months na palang hiwalay sina Angel at Luis pero hindi lang daw mas-yadong napag-usapan until finally ay lumabas ang isyung nagkakalabuan na sila. Nang tanungin si Angel kung mahal pa rin niya si Luis, sinabi nitong, “Naku, mukhang mahirap yatang sagutin ‘yan.” Alam kasi ni Angel, na halatang umiiwas, na baka ma-misinterpret na naman ng marami ang kanyang isasagot. Aminado naman si Angel na hindi mawawala ang concern niya para kay Luis lalo pa’t may pinagsamahan sila ng TV host. Mukhang okay sina Angel and Luis living their separate lives. Dahil kahit naghiwalay sila ng landas ay sinikap nilang manahimik at hindi ‘yung tipong nagtalakan pa sa media. Ipinagmalaki rin ni Angel ang pag-donate ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng kanyang kauna-unahang boxing shoes at jersey na nasuot na niya sa isang laban niya sa abroad. Ayon pa kay Angel, maging siya ay balak mag-bid sa idinonate ni Pacman dahil mahalagang remembrance daw iyon galing sa isang Manny Pacquiao.
|
|