|
Post by rossmyla on Oct 23, 2009 11:35:05 GMT 8
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 23, 2009 12:52:05 GMT 8
Hi twilight angels..Angel will be in wowowee and e-live tomorrow to promote Shop and share ...
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 24, 2009 1:51:53 GMT 8
October 24, 2009 06:23 PM Saturday Angel makakasama si Claudine sa ‘nilipatang’ movie outfit By: Gerry Ocampo NAKARATING na sa manager ni Angel Locsin ang balitang secret meeting daw ng aktres sa Viva Films para gumawa ng pelikula. Itinanggi ng manager ni Angel na aalis na ito sa Dos para lumipat ng Viva Films dahil nasa Star Cinema pa rin ang alaga at nakatakdang mag-renew ng kontrata. Imbes na magalit ay na-tawa na lang ang manager ng actress sa tsikang nakipag-meeting ito sa Viva executives nang hindi niya alam. Ayon pa kay Becky Aguila, manager ni Angel, may nakatakdang show si Angel sa Dos this October. May pelikula ring gaga-win si Angel sa Star Cinema kaya paano daw mangyayaring lilipat ito sa Viva Films. ‘Yung Angel-Aga Muhlach movie ay tuloy pa rin pero sa January na raw mauumpisahan at may soap pa siya na mapapanood next year din. Anyway, kung totoo na lilipat nga si Angel sa Viva Films ay magkakasama na sila ni Claudine Barretto na kapipirma lang ng kontrata sa production outfit ni Boss Vic del Rosario.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 24, 2009 1:58:17 GMT 8
twilight angels watch out for angel locsin perfume collection on a 10ml bottle..ONLY FROM AVON...
so cute...
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 24, 2009 6:23:51 GMT 8
Hi twilight angels, i received an update from one of the angels...
They said the Angel will be part if the BUZZ TOUGH 10
|
|
|
Post by nicky on Oct 25, 2009 9:45:05 GMT 8
*snipped* CELEBRITIES OPEN THEIR CLOSETS FOR A CAUSE. Wala ngang panahon ang aktres [Anne Curtus] sa ganyang mga intriga dahil may mga isyung mas kailangang pagtuunan ng atensiyon ngayon. Matapos tumulong sa Sagip Kapamilya para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Peping, ang pinagkakaabalahan ngayon ni Anne ay isang website na itinayo para matulungan pa rin ang mga nasalanata. Ito ay ang Shop and Share, kung saan pinapa-auction ng mga artista ang mga mamahalin nilang mga gamit, na may mga pamosong label tulad ng Prada, Louis Vuitton, Hermes, at iba pa. Ang kikitain dito ay mapupunta sa mga flood victims. "Si Angel [Locsin] ang lumapit sa akin and asked if I'd like to join the project," kuwento ni Anne. "Siguro kasi alam niya na ganun ang gusto ko, na ganun ang hilig ko. Super akong natuwa sa fundraising na ito. It's something we enjoyed doing so baka maulit pa, tingnan natin. "Open and running na yung site namin. It's www.shopandshare.ph. Puwede nang puntahan yun. Maraming artista ang nag-donate. Nandiyan si Ms. Ruffa [Gutierrez], Ms. Kris [Aquino], Kim [Chiu] and Gerald [Anderson], Mariel [Rodriguez], Pokwang, of course myself, Angel. There's so many and dumadami pa lalo ang mga gustong mag-donate. Celebrity man or you're not a celebrity, puwede mo kaming lapitan nila Angel o ni Dimples [Romana] or sinuman sa amin. We're willing to take your donations and post it on our site." - PEP
|
|
|
Post by nicky on Oct 25, 2009 9:48:06 GMT 8
Angel leads online charity auction for typhoon victimsMANILA, Philippines—Talented TV and Movie actress Angel Locsin has found another way to help the victims of Typhoons Ondoy and Pepeng. Helping Angel in this worthy cause are fellow showbiz friends Dimples Romana, Anne Curtis, and Kris Aquino, she is currently organizing an online auction to raise more funds for the rehabilitation program of Red Cross. “Anything that’s important to them na gusto nilang ishare, it will be up for auction. Tapos 100% of the proceeds will go to the people who were affected by the typhoons,” Dimples said. “Hindi naman kailangang bags lang. Pwedeng old accessories, jewelry or memorabilia na gusto ninyong idonate. So nag-isip kami ng celebrities na pwedeng lapitan,” Anne added. This act of kindness on their part is all the more special because they really go out of their way to catalog the items that they have collected from the celebrities who agreed to be part of their cause. Anne further explains, “Si Angel may mga dinonate din siyang bags. Nagdonate din ako pati si Ate Kris. Ate Ruffa (Gutierrez) and Heart (Evangelista) also agreed na magbibigay din sila. Talagang pumupunta kami sa houses ng celebs to take the pics. May kinakausap na nga si Angel para dun sa website where people can bid for the items na available.” As a matter of fact, Kris will be writing the introduction and the descriptions of their most saleable products on the website. “This is really Angel’s idea. And then she asked me [if I can also contribute], sabi ko, ‘Sure.’ Sabi niya, ‘Pwedeng punta na ako sa house mo?’ and I said, ‘Sure.’ And then she said, ‘Pwedeng pahiram ng maleta?’ Ako naman, ‘Sure.’ kasi inayos talaga nila yungbags. Dimples’ husband is taking all the pictures using Anne’s camera. And it was Angel, through Red Cross, na nag-ayos para makakuha kami ng Paypal account. Kasi nga we realize that a lot of our TFC viewers would be the ones who are most supportive. So with Paypal makakabili sila at mapapadala ng maayos [yung items] abroad.” - inquirer
|
|
|
Post by nicky on Oct 25, 2009 9:54:57 GMT 8
Mamahaling bag ni Angel nabenta naSUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan (Pilipino Star Ngayon) Updated October 25, 2009 12:00 AM Nagtapos na ang subastahan para sa first batch of items na ipina-auction sa www.shopandshare.ph na pinamumunuan ni Angel Locsin. Kasama ni Angel sa fund-raising online auction sina Kris Aquino, Anne Curtis, at Dimples Romana. Tuwang-tuwa si Angel kasi hindi nagkait ng tulong ang maraming artista. Mamahalin pa ang mga gamit na ipinamigay nila bilang donasyon. Nag-donate si Angel ng Hermes Kelly bag (P330K); si Sam Milby, ang paborito niyang gitara; si Luis Manzano, Technomarine watch (P12K); Gucci bag ang mula kay Anne Curtis (P20K); Luis Vuitton bag mula kay Kris Aquino (P28K); at marami pang ibang gamit mula kina Marian Rivera, Maxene, Magalona, Heart Evangelista, at iba pa. philstar
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 3:52:58 GMT 8
Monday, October 26, 2009 Angel Locsin has finally appeared live on TV yesterday in "The Buzz" after getting busy with her charity project. Here's the gist of the interview of Boy Abunda in "The Buzz". Credit: Bernie Franco, ABS-CBN Angel Locsin opens up on current career issues but keeps mum on her love lifeMasayang ibinalita ni Angel Locsin sa The Buzz noong Ocotber 25 na ang kanilang proyektong mangalap ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pagsusubasta ng mga donated items ng mga artista ay nakakalap na ng $12,000 o tinatayang kalahating milyon. Tuluy-tuloy pa rin ang nasabing proyekto ni Angel at ng iba pang artista. Nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung bakit labis ang kanyang pagpupursige upang makatulong, sinabi ni Angel na para sa kanya ay obligasyon niya ang tumulong sa kanyang kapwa Pilipino na sila ring naglagay sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon sa showbiz. Sabi pa nga ni Angel ay talagang naging life-changing para sa kanya ang pagtutulong at dumating na sa punto na inisip niyang gawin itong isang pang-araw-araw na advocacy, pero idinagdag na kailangan din niyang magtrabaho at hindi rin maiwan ang mundo ng showbiz. Muli ring nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang mga naiulat na balitang lilipat siya ng Viva Films. Aniya, nang mabalitaan niya ito ay inakala niyang isa itong biro at natawa lamang siya. Subalit aniya’y hindi niya masisisi ang mga tao na mag-isip ng ganoon sapagkat wala siyang proyekto sa kasalukuyan pero idiniin na mananatili siya sa poder ng Star Cinema. Kaugnay naman ng pagkakapili kay Heart Evangelista bilang kanyang kapalit na gumanap bilang anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, sinabi ni Angel na nakaramdam siya ng panghihinayang lalo pa’t pangarap niya ang makatrabaho si Sharon. Subalit aniya, siguro ay may mga artistang mas bagay para sa role pero nilinaw na bukas ang kanyang pintuan sa mga posibleng offers in the future. Naging maigsi naman ang pahayag ni Angel nang kumustahin ni Boy ang kanyang buhay pag-ibig at sinabing okay naman ang kanyang puso. Here's the video clip of the Buzz interview. Credit to Danceball85. Lifted from: twilightangela.blogspot.com
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:20:22 GMT 8
Credit: abs-cbnNEWS.comIs Angel moving to Viva, too?MANILA – Amid persist-ent rumor about her purported impending transfer to Viva Films, Angel Locsin finally set the record straight on “The Buzz” Sunday. Locsin maintained that she remains a Kapamilya star and one of Star Cinema’s contract artists. “Kagagaling ko lang sa isang matinding transfer. Wala po akong planong pagdaanan ulit ang mga pinagdaanan ko noon,” Locsin said, referring to her controversial move to ABS-CBN from rival network GMA 7 in 2007. When she first heard the rumor, she said she laughed it off and dismissed it as a joke. “Tapos nabasa ko na nga sa dyaryo. Hindi naman natin masisisi ‘yong taong nagsulat noon kasi ang tagal nga nilang hindi ako nakikita sa TV. Pero hindi po, walang katotohanan ‘yon,” she said. The actress admitted though that she regretted turning down Regal Films’ “Mano Po 6.” She explained that it is her dream to work with Megastar Sharon Cuneta. Locsin was supposed to play Cuneta’s daughter in the movie but due to her busy schedules Locsin’s camp had declined the offer. The role went to Heart Evangelista, a former ABS-CBN star. “Pero anytime bukas ang pinto ko. Sana lang po huwag magsarado ang pinto niyo,” she said. Speculation about her leaving Star Cinema surfaced after Claudine Barretto signed a two-film contract with Viva Films. Barretto's decision caught many by surprise since she is a long-time talent of ABS-CBN. Barretto, however, assured that she remains a Kapamilya and that she just "wants a little freedom" to pursue film projects. ProjectsLocsin was one of GMA 7’s biggest stars when she signed an exclusive contract with ABS-CBN. Since her transfer, the actress did one movie under Star Cinema, “Love Me Again (Land Down Under),” where she was paired with Piolo Pascual. She also played the female leads in “Only You” and “Lobo” and appeared in two episodes of “Maalaala Mo Kaya.” On top of her numerous TV guestings, she also hosts musical variety show “ASAP ’09” along with other ABS-CBN talents. Reports said Star Cinema has already lined up two projects for her this year. She will reportedly be paired with Aga Muhlach in one film. Chito Roño will reportedly direct her other movie project. as of 10/26/2009 1:24 PM
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:21:09 GMT 8
Credit: Nestor Cuartero, InquirerHomeless showbiz folk find shelterSEEN: Angel Locsin is spearheading a celebrity auction online for the benefit of the flood victims everywhere. Log on to www.shopandshare.ph. Sam Milby has offered to sell two of his favorite guitars on this site.
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:24:25 GMT 8
Credit: Bong De Leon, Online JournalStars’ Personal Collections For Sale WE take pride in giving our stars the spotlight not as celebrities but kind human beings who continue the crusade for the victims of typhoon “Pepeng” and “Ondoy.” They deserve commendation as they shared their personal collections mostly brand names that are up for auction at very reasonable prices. Luis Manzano donated two Technomarine sport watches pegged at P12,000 each for start bidding. Next in line were a Prada Napa tote bag (P48,000) from Angel Locsin and a Louis Vuitton Stephen Sprouse bag (P48,000) from Kris Aquino and Chanel naked bag (P35,000) from Anne Curtis. Other expensive items auctioned was a black Gucci bag (P28K) from Kris, Louis Vuitton Bedford bag (P28K) LV Turenne bag (P28K) and Ferragamo bag (P22K) all coming from Angel. More from Anne are Chanel backpack (P20K), LV bag (P20K) and Chanel bag P(20K) from Dimples Romana and a LV Magnolia heels (P15K) from Pokwang. The bidding started last October 18 in a Shop & Share website. Everybody is welcome to bid even those from abroad. It’s guaranteed that all items are slightly used, still with boxes with dust bag. There’s a schedule for posting of items per batch at eBay. One of the most expensive bags in the list owned by Angel is a pink Hermes Kelly bag (P330K) . Kim Chiu donated dresses she wore in “Tayong Dalawa” and LV bag. Gerard Anderson gave an Oakley shades. Mariel Rodriguez donated Kate Spade, Prada and Marc Jacobs bags. Boy Abunda donated Recolets jacket and Roberto Cavali shades. Ruffa Gutierrez gave Tory Burch bags and shoes. Not only Kapamilya stars joined the humanitarian efforts. Even stars from the other network shared in the name of charity. Marian Rivera also gave a pink dress, a yellow gown and Coach and Gucci bags. Maxene Magalona also donated a Coach bag while Heart Evangelista shared a Tiffany ring and Fendi shades.
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:26:52 GMT 8
Credit: Rowena Joy A. Sanchez, Manila BulletinAngel Locsin mulled shifting careers Actress Angel Locsin thought about shifting careers after conducting relief operations and online auctions for typhoon victims. “Kung ako [kasi] ‘yong masusunod, gusto kong mas makatulong pa. Pero mahal ko ‘yong ginagawa ko [bilang artista]. Pero sumagi rin sa isip ko, ‘Ano kaya kung gawin ko ito [charity work] every day?’” Angel confessed on “The Buzz.” When asked what motivates her to help, Angel said, “Bakit hindi? Obligasyon natin na tumulong sa kapwa nating Pilipino. Kung ako ang nasa sitwasyong ‘yon, aasa rin ako na may kamay na mahahawakan.” The Kapamilya actress regrets not landing the role of Sharon Cuneta’s daughter in “Mano Po 6: My Mother.” “Siyempre merong panghihinayang. Alam naman ng lahat na gusto kong makatrabraho si Ms. Sharon. [But] I’m happy for Heart at anytime naman po [ay] bukas ‘yung pinto ko [sa Regal],” said she.
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:27:29 GMT 8
Credit: Bernie Franco, abs-cbnNewsBoy Abunda shares his greatest wish for his birthday Kahapon sa The Buzz, October 25, ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Boy Abunda. At sa kanyang one-on-one interview kay Angel Locsin ay siya naman ang tinanong ng aktres na malugod namang sinagot ng host.Sinabi ni Boy na minsan gaano man kalakas at katapang ang isang tao ay may mga bagay na hindi niya kayang baguhin. Mayroon din umanong mga bagay na siya mismo ay hindi sigurado at may mga laban ay hindi puwedeng mapagtagumpayan. Anang host, sa ngayon ay naitatanong niya sa Diyos na sa maraming biyayang natatanggap niya ngayon, hanggang kailan kaya ang pagdating ng mga ito. Subalit naiisip rin niya na siguro ay may nagawa siyang tama upang mabigyan siya ng mga biyaya. Hindi rin ikinaila ni Boy na ang hinihiling niya ngayon sa Panginoon ay ang pahabain ang buhay ng kanyang ina. “I’ve stopped wishing for myself dahil wala na akong mahihiling pa,” paliwanag ni Boy. “Basta masaya lang at malusog ang aking ina at lahat ng nanay sa Pilipinas. ‘Pag malusog ang nanay ko parang masaya at malusog na rin ako. That’s a wish.” Sabi pa ng host nais niya ng kapayapaan ng loob at katahimikan dahil masyado nang maingay ang mundong ating ginagalawan. Kahit na pinagpipitagan siya, sinabi ni Boy na marami pa siyang gustong gawin at gusto niyang maging mahusay sa lahat ng kanyang ginagawa. Nais din umano niyang maging mapagpatawad at humingi ng tawad sa lahat ng mga taong nakasamaan niya ng loob. Gusto rin umano niyang humingi ng tawad sa kalikasan na naabuso ng tao at ngayon ay nararamdaman ang dulot ng pang-aabusong ginawa ng tao. Sinang-ayunan din ni Boy ang sinabi ni Angel na iisa lamang ang Pilipinas at nararapat lamang na mahalin ito.
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2009 15:27:52 GMT 8
Credit: Salve Asis, Pilipino Star NgayonNot true ang balitang lilipat sa Viva Films si Angel Locsin. Ayon sa super reliable source, walang katotohanan ang mga kumakalat na kuwento na pipirma na rin sa kampo ng Viva ang young actress na kasalukuyang jobless sa Kapamilya Network. Susunod daw ito kay Jennylyn Mercado dahil iisang manager ang may hawak sa kanila. Pero hindi si Angel kundi si Valerie Concepcion ang pipirma ng kontrata sa Viva ayon sa super reliable source. Pero infairness daw to Angel kahit wala raw itong trabaho, nakikipag-negotiate daw ang uncle nito para bumili ng isang four-storey building somewhere in Quezon City worth P40 to 50 million. Hindi raw si Angel ang naka-front sa nasabing negotiations pero kay Angel daw ang perang ipambibili ayon sa source.
|
|