|
Post by angelcharmz on Oct 30, 2009 8:33:29 GMT 8
www.journal.com.ph/index.php?issue=2009-10-30&sec=3&aid=106107October 30, 2009 05:57 PM Friday By: Nel Alejandrino TattleKUNG ngayon ang pagbabasehan, malabung-malabo na mag-reconcile sina Rachelle Ann Go at Gab Valenciano. Obvious na masakit, lalo on the part of Rachelle Ann, ang naging dahilan ng paghihiwalay nila, which is the exact opposite sa kasalukuyang namamagitan sa another estranged couple, sina Luis Manzano at Angel Locsin. According to Angel, Luis was among the celebrities na pinadalhan nila ni Anne Curtis ng solicitation letter for their Shop and Share project for the victims of Typhoons Ondoy and Pepeng. Luis, in turn, sent them several items, some even mga bago. Angel and Anne plan to turn over whatever amount they have generated from the project to the Philippine National Red Cross. They think it’s the proper agency that would know kung ano ang pangangailangan ng mga biktima. Angel doubts, though, kung ang usapang reconciliation will happen between her and Luis. She thinks mas mabuti kung maging magkaibigan muna sila. Meanwhile, the actress announced na sa January, magsisimula na siyang mag-siyuting for her movie with Aga Muhlach under director Olive Lamasan.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 30, 2009 8:50:03 GMT 8
ANGEL LOCSIN DADALO SA 37th International Emmy Awards
By: Vinia Vivar
Kinumpirma ni Angel Locsin na dadalo siya sa 37th International Emmy Awards sa New York kung saan ay nominado siya bilang best actress para sa pagganap sa Lobo. Kasamang aalis ni Angel ang manager niyang si Becky Aguila sa Nobyembre at ngayon pa lang, excited na ang young actress. “Siyempre po, kailangang i-represent natin ang ating bansa. Nakakatuwa nga itong team ko (staff na kasama niya sa pagbibigay ng relief at pag-aasikaso sa Shop and Share), kasi sila ’yung nag-iisip para sa akin dahil masyado nga akong engrossed dito sa, well, kung ano ang nangyayari ngayon, kasi ayoko namang mag-celebrate na ang mga tao, eh, nahihirapan, ganyan. “So, sila ’yung nag-iisip kung ano ang isusuot kong damit, ganyan, nakakatuwa talaga,” she said. Hanggang ngayon, ani Angel, para pa rin siyang nakalutang dahil sa pagkaka-nominate niya. “Nakakagulat. Hanggang ngayon, hindi pa ako maka-recover sa gulat na ’yon. ’Yung mahanay ka lang du’n, kasi ang gagaling din ng ibang mga na-nominate, tapos, pinapanood ko ’yung ibang films nila, parang...‘wow, thank you, Lord.’ “And siyempre, na-proud din ako, kasi pinaghirapan talaga namin ’yung Lobo. Hindi lang ito para sa akin, sa team namin sa Lobo, sa ating mga Pilipino rin, mga Asyano, ’di ba? Kasi tayo lang ang Asian na nakapasok, eh,” say niya. Tinanong namin si Angel kung binati ba siya ng ex-boyfriend na si Luis Manzano at say niya, nag-text naman daw ito sa kanya at nag-congratulate. Samantala, nakausap din namin ang manager ni Angel at aniya, malapit nang mapanood muli ang young actress sa telebisyon dahil may gagawin siyang teleserye na malapit nang umpisahan.
|
|
|
Post by angelcharmz on Oct 30, 2009 9:46:07 GMT 8
|
|
|
Post by rossmyla on Oct 30, 2009 13:33:21 GMT 8
Angel Locsin, nataranta nang makita si Luis Manzano – Morly Alinio
DUMATING SI ANGEL Locsin sa 25th anniversary ng Gabriela na ginawa sa Amoranto Stadium.
Inusisa namin ang tungkol sa split nila ni Luis.
“Yes, four months na kaming wala ni Luis and I don’t want to elaborate kung ano man ang naging dahilan ng aming paghihiwalay. Basta, ang importante ay alam naming masaya kami sa aming mga ginagawa sa ngayon,” esplika ni Angel.
“Actually, panay ang padala niya ng tulong sa grupo namin, ang Shop and Share, ng mga gamit na bago pa talaga. Makikita mong hindi gamit kaya nga tuwang- tuwa ako sa kanya.” Nag-donate ng dalawang mamahaling relo si Luis. “Yung isa, bago talaga at parang binili yata niya iyon para lang makapag-donate siya.”
Ayaw patawag ni Angel na superhero sa kabila ng mga kawanggawa niya. “Nakakahiya naman. Hindi naman ako superhero. Hindi ako bayani. Ang ginagawa ko lang ay bilang ako, ‘yun bang magaan sa dibdib ‘yung alam mong nakatutulong ka sa iyong kapwa at nakakapagpasaya ka ng mga taong nalulungkot. ‘Yun lang ay isang malaking achivement na sa akin.”
Sinabi ni Angel na totoong kinabahan siya nang muling magsalubong ng landas nila ni Luis sa ASAP. “Hindi ko alam kung nag-holding hands kami, hindi ko alam kung ano ang naging reaction ko. Basta, parang wala lang. Ayokong sabihing mahal ko pa si Luis. Siguro, mas makabubuti kong si Luis na lang ang tanungin ninyo kasi parang napaka- awkward naman kung magsasalita ako sa ganyang bagay.”
More Luck by Morly Alinio
|
|
|
Post by rossmyla on Oct 30, 2009 13:33:48 GMT 8
kahapon may SNN POLL pala...
hindi ko maalala yun exact na tanong pero it goes this way
kung magkakasama ba sa isang proyekto si luis and angel, sa tingin niyo ba magkakabalikan sila uli?
a. civil nalang daw b. ou magiging sweet sila sa isa't isa
a. about 15 percent b. about 85 percent
di ba positive pa rin mga tao =) happy si kris sa result tapos hinirit pa ni kris sinabi, gel gusto daw nila magkabalikan kayo... hehehehe
|
|
|
Post by rossmyla on Oct 30, 2009 13:36:03 GMT 8
|
|
|
Post by rossmyla on Oct 30, 2009 13:52:05 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Oct 31, 2009 20:37:00 GMT 8
Credit: Nestor Cuartero, TempoPEOPLE are asking…. Why isn’t Angel Locsin seen on a new teleserye following ‘Only You?’ The young actress had to turn down a good role in ‘Mano Po 6’ purportedly because of a tight movie and TV schedule. Angel is actually jobless at the moment. Is it true she’s mulling an offer to transfer to Viva Films? Can’t blame Angel.
|
|
|
Post by nicky on Oct 31, 2009 20:38:49 GMT 8
Credit: Glen P. Sibonga, PEP[omitted unrelated statements] ANGEL LOCSIN. Natutuwa naman si Marian na finally ay nagkita at nagkausap na sila ng isa pang Darna, si Angel Locsin. Two weeks ago ay nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa kaugnay na rin ng paghingi ni Angel ng tulong kay Marian para sa inilunsad na proyekto ng una na Shop and Share, kung saan nangangalap si Angel ng mga gamit ng celebrities na ipinapa-auction. Ang kikitain dito ay ido-donate sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng. "Alam n'yo, natuwa ako diyan," sabi ni Marian. "Nung una kasi, nag-text sa akin si Popoy [Caritativo, Marian's manager], sabi niya, 'Yan, nag-text si Angel.' Sabi ko, 'Anong sabi ni Angel?' 'Forward ko sa 'yo,' sabi ni Popoy. Tapos may pangalan ako doon sa text, sabi niya, 'Sana matulungan mo ako.' Ganyan-ganyan. So, binigyan ko rin talaga ng time si Angel na makita siya at makapag-usap kaming dalawa. Yun nga, nagpa-auction nga siya sa website niya [www.shopandshare.ph] para sa mga biktima ng bagyo." Paano sila nagkita ni Angel? "Pumunta siya sa bahay ni Popoy. Tapos, pumunta ako sa bahay ni Popoy. Yun, nagkita kami, nag-usap kami. Sabi niya, 'O, kumusta na?' Sabi ko, 'Okay ako.' Tapos sabi ko, 'Salamat nagkita na rin tayo. Matitigil na yung mga tao na sinasabing hindi tayo magkasundo. Halika, picture-picture.' Nag-picture-picture kami, magka-hug kaming dalawa. Tawa kami nang tawa. Sabi ko nga sa kanya, 'Thank you.' Tapos thank you rin siya nang thank you na tinulungan ko siya sa auction," kuwento ni Marian. Ano ba ang mga gamit na ibinigay niya kay Angel? "Dinonate ko yung yellow gown na sinuot ko sa GMA anniversary special namin. Tapos yung sinuot ko sa concert ko sa L.A., na sinuot ko sa 'Chiquita,' binigay ko sa kanya. Tapos, isang bag. Sabi ko, kung meron ba siyang ibang kailangan, sabihin niya lang at willing talaga akong tumulong," ayon kay Marian. Napag-usapan din ba nila yung mga intriga sa kanila, lalo na yung pagsasabong sa kanilang dalawa? "Actually, hindi na namin masyadong inungkat yun," sagot ni Marian. "Nag-thank you na lang ako na at least matitigil na yung tsismis sa aming dalawa. Sabi niya, 'Oo nga, oo nga. Hayaan na natin yun. Ang importante okay tayo.' "Tapos kinongratulate ko siya kasi, di ba, na-nominate siya sa [International] Emmy na best actress? Sabi ko, 'Hoy, congrats, ha!' Sabi niya, 'Oo nga, pupunta ako doon.' So, ang ganda ng una naming kita na alam naman naming dalawa na wala namang something sa aming dalawa. So, yun, happy ako na nagiging maayos ang lahat. Tapos, natuwa rin si Popoy kasi good friend niya si Angel, e." Gusto niya bang gumawa sila ni Angel ng project together? "Oo naman, bakit hindi? Hindi ko lang alam kung paano. Sa TV kasi parang mahirap, di ba? Siguro sa commercial puwede," sabi ng Kapuso star. Napag-usapan din ba nila ni Angel ang pagda-Darna niya? "Actually, oo. Kinumusta niya nga yung pagda-Darna ko. Sabi ko, 'Eto, okay naman kahit puro sugat-sugat.' Sabi niya, 'Ay naku, ganyan talaga. Ako rin ang dami lalo na yung singit ko!' Dahil nga yun sa harness."
|
|
|
Post by nicky on Oct 31, 2009 20:43:58 GMT 8
Credit: Bernie Franco, ABS-CBNKamakailan lamang ay nag-renew ng contract si John Lloyd Cruz with ABS-CBN at sinabing nakapaloob sa kontrata ang paggawa ng dalawang teleserye. Sa kasalukuyan ang pinagkakaabalahan ni Lloydy ay isang concert na gagawin sa Europe at pagkatapos ay sisimulan na ang pelikulang muling pagtatambalan nila ni Bea Alonzo. Inaasahan naman ng aktor na pagkatapos ng pelikula ay magsisimula na siya sa pag-shoot ng kanyang bagong teleserye. Sambit ni Lloydy, nami-miss na nga niya ang paggawa ng teleserye. “Nakaka-miss ‘yung gabi-gabing nakakasama ka ng mga sumusuporta sa ‘yo o nagmamahal sa ‘yo,” kuwento ni John Lloyd. “And kung mabibigyan lang kami ng magandang storya mga interesting na kasama sa trabaho, mapa-director mga co-actors, walang dahilan para hindi ko ma-miss at balikan ang telebisyon.” Sa pagkakaalam umano ng aktor, sa pagbabalik niya sa telebisyon ay magkakaroon siya ng bagong leading lady. “I’ll be doing something with Angel Locsin, sa tingin ko,” pag-amin ni Lloydy. “Pero alam n’yo naman how things can change in this business baka mabago pa rin pero ang alam ko as of today, it’s with Angel.”
Nabanggit din niya na ang planong pagtambalin sila ni Angel ay nagsimula na mula pa noong maging Kapamilya si Angel noong 2007. “Matagal-tagal na akong nakapila simula nang pumasok siya (Angel) dito. Heto mukhang mangyayari na.”
|
|
|
Post by nicky on Nov 1, 2009 4:45:02 GMT 8
Credit: Rachelle Siazon, ABS-CBN Kapamilya stars admire Angel Locsin’s nonstop charity work
With the help of Anne Curtis, Kris Aquino, and Dimples Romana, Angel Locsin was able to get support from fellow celebrities to raise funds for the typhoon victims via an online auction known as Shop and Share. Kim Chiu even recounted to ABS-CBN.com the first time she learned about this project. “May nagtext sa akin na unknown number. Akala ko kung sino. Tapos sabi niya si Anne daw siya. So tinawagan ko, sabi ko, ‘Hello, ikaw ba talaga si Anne?’ Oo daw, tapos inexplain niya na magpapa-auction nga daw sila sa internet tapos yung proceeds mapupunta sa Red Cross. So sabi ko, ‘O sige game ako,” she began. Aside from three outfits she used in the hit teleserye Tayong Dalawa, Kim also donated one of her favorite designer bags. “Yung pangalawang Louis Vuitton bag na binili ko sa buong buhay ko. Oo, mami-miss ko yun. May message pa nga ako dun. Sabi ko, ‘Sa makakabili nito, alagaan niyo itong bag ha.’ Pumikit ako nung binili ko ito, pero ngayon ibibigay ko na siya.” But she knows that it was worth giving the bag away for a good cause. “Siyempre masarap yung feeling na patuloy kang nakakatulong sa ganitong paraan. Sana talaga malaking halaga yung malikom nila sa mga items na yun,” she added. On the other hand, Valerie Concepcion shared that she was inviting Angel to her daughter’s birthday party when the latter asked her to join the auction. “Magbibigay ako ng dresses at saka shoes. Hindi na ako nagugulat kasi knowing Angel, she's really a kind person, likas na maawain siya sa mga tao, and I’m glad to have known someone as good as her. Kumbaga nung nag-uumpisa pa lang kami sa industriya ganon na siya, tapos ngayon na star na siya, hindi pa rin siya nagbabago. So I’m so proud of you Mare. I love you Angel,” she exclaimed. As for Angelica Panganiban, she has yet to decide what items she will donate to Shop and Share. Nevertheless, the upcoming bida-kontrabida of ABS-CBN’s Rubi is really honored to be a part of Angel’s pet project. “Halos wala kasi ako palagi sa bahay dahil busy ako sa mga taping so hindi ko pa nachecheck yung closet ko. Actually, nakakatuwa kasi hindi mo akalain na sa mga edad naming ito, kung kumilos kami akala mo matatanda na kami. Parang ang dami naming gustong patunayan na kaya naming tumulong at magpasaya ng tao sa iba’t ibang paraan. Nakakainspire at nakakainggit na sana may ganon kang abilidad para gawin yun.” Shaina Magdayao also commended Angel for her determination to do everything she can to continue helping those in need during times of crisis. “Actually nagbibigay naman siya ng options. It doesn’t have to be designer items. Basta memorable sa ’yo at may sentimental value pwede mong ibigay. Siyempre nakakatuwa na kasama mo sa industriya yung mga gumagawa nun. And lahat naman ay very willing to help her and the typhoon victims. Si Angel, nakita naman natin kung gaano siya kahands-on sa pagtulong. And I can personally attest to the fact na kumikilos talaga siya, hindi lang puro pangako at salita,” she stressed.
|
|
|
Post by nicky on Nov 1, 2009 5:05:56 GMT 8
Credit: Julie Bonifacio, ABS-CBN Angel Locsin is happy that fellow actors support her causePunong-abala pa rin si Angel Locsin sa kanyang proyekto na 'Shop and Share' katuwang ang 'kumare' na niya ngayon na si Anne Curtis. Nangangalap pa rin si Angel ng items mula sa mga artistang gustong mag-donate through 'Shop and Share' para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. Nagmistulang babaeng Santa Claus si Angel nu'ng makita namin sa hallway ng ABS-CBN pagkatapos ng taping ng ASAP '09 last Sunday. Pasan-pasan niya ang malaking tela ng bag kung saan laman ang binigay na gift items ni John Lloyd Cruz para sa 'Shop and Share.' Ayon kay Angel, sinimulan daw niya ang proyektong ito nu'ng mag-text siya sa mga kapwa niya artista para mag-donate. "Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height level ng energy, sobrang excited din siya. Nakakatuwa si Anne, 'yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya, pareho ko rin 'yan na hindi rin natutulog sa Shop and Share, sobrang hands on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin (na ina-upload sa net). Ang galing ni Anne. Pero 'yung name na 'shop and share' ang best friend ni Anne na si Raymond Gutierrez ang nagbigay. Actually, marami talaga kami dito, nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kungdi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi 'yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan." Ilan sa mga artistang nagbigay na ay sina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion at marami pang iba. "Si KC nakakatuwa kasi ang binigay niya brand-new na Balenciaga and Givenchy bags," proud na sabi ni Angel. Pero ang ikinagulat ng iba ay ang pagbibigay din ni Marian Rivera ng gift niya para sa project. "Tinext ko sina Popoy (Caritativo), 'yung manager nina Marian, nina Dennis (Trillo), ganyan. Nakakatuwa naman kasi nagbigay siya ng schedule agad para magpunta sa bahay niya. Ngayon, 'yung gown ni Marian na ginamit niya sa isang event, pinapa-auction namin ngayon. Bale tatlong items 'yun and nakakatuwa talaga na nag-donate siya sa project namin at siyempre, gusto niyang makatulong," kwento ni Angel. Sa condo ni Popoy nagkita sina Marian at Angel. Nag-hi and hello naman daw sila sa isa't isa. Dati nang magkakilala ang dalawa dahil naging kalabtim ni Marian sa GMA7 noon ang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Boy Sotto. Napag-usapan ba nila 'yung mga intriga sa kanilang dalawa? "Siyempre, alam naman naming may network war, saka hindi maiiwasan na 'yung mga fans namin, may intrigahan, pero kami, hindi namin pinepersonal ang mga bagay-bagay. Saka, sa panahon ngayon, itong nangyayari ngayon, ayaw naming pag-usapan 'yung mga ganyan," she said. Samantala, naitanong din namin kay Angel ang naudlot na pagbabalik-Regal Films niya via the movie, Mano Po 6. Siya sana ang gaganap na anak ni Sharon Cuneta pero hindi na nga natuloy at si Heart Evangelista na ang ipinalit sa kanya. "Bubusina lang ako kay Heart ha, basta ako, ginawa ko naman 'yung part ko, kinausap naman namin ang Star Cinema, ang Regal, sina Mother Lily (Monteverde, Regal Films producer),okay na lahat. Masaya na ako sa ganu'n. Siguro, may ibang pagkakataon naman. Bubusina ako kay Heart, sobrang wala akong ano sa kanya, I'm happy for her. Nanghihinayang lang ako kasi siyempre, gusto kong makatrabaho si ate Sharon ," lahad ni Angel. Samantala, nagsalita rin finally si Angel sa hiwalayan nila ni Luis Manzano. "Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel. Totoo ba na amy third party involved sa hiwalayan nila ni Luis? "Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama na nasabi ko na 'yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," depensa ni Angel. May communication pa rin ba sila ni Luis after the break-up? "Meron naman. Nag-uusap pero may time na hindi, ganu'n." Posible ba na magkabalikan sila ni Luis? "Hmmm..mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung pwede talagang mangyari 'yon," tapos ni Angel.
|
|
|
Post by nicky on Nov 2, 2009 3:24:05 GMT 8
Credit: Rowena Joy A. Sanchez, Manila Bulletin John Lloyd Cruz feels ‘awkward’ around Angel LocsinKapamilya actor John Lloyd Cruz revealed that he feels ‘awkward’ around Angel Locsin with whom he will soon have a teleserye. “Punung-puno ng awkwardness. Kami rin naman ni Bea [Alonzo] nung nag-umpisa kami, di kami nag-uusap. Kami ni Sarah [Geronimo], ganun din naman,” said Lloydy. Angel, who is excited to work with him, also felt Lloydy’s uneasiness. “May ganun nga, pero tinatawanan na lang namin kasi nagtatrabaho lang kami,” she said.
|
|
|
Post by nicky on Nov 2, 2009 3:55:05 GMT 8
Credit: Gerry Ocampo, Journal Online Angel Locsin, Pauleen Luna mag-ingat sa mayamang manliligaw ANO kayang karangalan ‘yong sabihin na manliligaw ngayon ng isang sikat na actress ang anak ng may-ari ng SM? ‘Di ba dapat mag-ingat ang mga young actress sa manliligaw na ito na matapos magsawa sa isang ar-tistang babae ay poporma naman sa ibang sikat na young actress din. ‘Di porke anak siya ng isang bilyonaryo ay kara-ngalan nang matatawag na pinopormahan ka niya. Mag-ingat at huwag pagagamit sa taong ito na ang ipinagmamalaki ay ang pagi-ging anak siya ng mayaman dahil hindi naman siya ang rich kundi ang kanyang ama. Sino ang makapagsasabi na habambuhay ay ma-yaman ang kanilang angkan? Aba! Kapag kinapitan na ‘yan ng ‘bad karma’ at si-ningil na sa mga pagsasamantala niya sa kababaihan, babagsak din ‘yan at malamang madamay pa ang kanyang mayamang ama. Kaya Angel Locsin at Pauleen Luna, mag-ingat at huwag magpadala sa yaman ng isang manliligaw!!!
|
|
|
Post by nicky on Nov 2, 2009 4:08:08 GMT 8
Credit: Bernie Franco, ABS-CBN Angel Locsin admits she and Luis Manzano are not yet okay “Nami-miss ko kung paano kaming dalawa dati pero hindi ko siya nami-miss,” ito ang statement ni Angel Locsin nang tanungin kung nangungulila ba siya sa dating boyfriend na si Luis Manzano. Naging usap-usapan din ang pagkikita ng dalawa sa ASAP para sa opening number ng programa dahil pareho nilang hindi alam na magkikita sila kung kaya’t pareho silang nasorpresa. “Dun lang uli kami nagkita tapos biglaan pa,” paliwanag ni Angel. “Hindi ko alam na kasama sa opening kaya medyo nakakaloka ang reaction ko.” Dagdag pa niya, sa tingin din niya ay nagulat si Luis sa nangyaring pagkikita. “Nagulat naman talaga ako and siya rin naman siguro nagulat, kaya lang mas kaya niyang dalhin ang sarili niya.” Nilinaw rin ni Angel na kahit na nag-uusap na sila ni Luis ay hindi pa sila one hundred percent okay. “Parang ang weird naman kung palagi pa rin kaming nag-uusap di ba? Nag-break pa kami. Ganun naman talaga ‘pag breakup hindi naman laging, ‘Hello, good morning!” paliwanag ng aktres. “Hindi ko kayang plastikin ang sarili ko parang ang weird na chummy-chummy kami agad.” Nang tanungin si Angel kung mahal pa ba niya si Luis, ang maiksing sagot niya, “Ayun ‘yung mga tanong na hindi ko kayang sagutin sa ngayon.” Hindi rin nagbigay ng direktang sagot si Luis ng siya rin ang tanungin. Itinanggi rin ni Angel na nakikipag-date na siyang muli. Aniya, hindi siya nagmamadala lalo pa’t kaka-break lang nila Luis. Sa isang hiwalay na interview, inamin naman ni Luis na hindi nga rin niya matandaan kung nag-holding hands sila ni Angel sa opening number ng ASAP. “Hindi ko nga alam kung nag-holding hands kami. Hindi ko matandaan, I’m not sure,” kuwento ng binata sa hiwalay na interview ng The Buzz kahapon. Tinanong din si Luis kung may nararamdaman pa siya para sa kanyang ex-girlfriend. “No matter what we answer do’n, iba ang magiging pananaw ng ibang tao. Magiging misconstrue ang sagot namin do’n. Siyempre sa mga ganong tanong, sa aming dalawa na lang ‘yon,” anang actor-host.
|
|