|
Post by nicky on Aug 12, 2011 18:06:10 GMT 8
John Lloyd reunites with Angel LocsinMANILA, Philippines - John Lloyd Cruz and Angel Locsin are back together again for a new movie project under ABS-CBN's Star Cinema. The new movie with working title "I Honestly Love You" will be the twosome's first project after their hit TV series "Imortal." "Sigurado na po, totoo na po ito. This calls for a celebration," Cruz said. "Ako excited ako kasi matagal na din yung Imortal. Parang ang tagal ko ding nagpahinga tapos pagbalik ko si Lloydie agad ang kasama ko," Locsin said. Cruz said that in the movie, they will try their best to give the moviegoers a fresh story and unique performance. "Kahit na lagi naming sinasabi kaming mga artista, kaming gumagawa ng pelikula, lagi we wanna offer something different, something new, well talaga naman that's always the intention," Cruz said. abs-cbnNEWS.comPosted at 08/12/2011 1:34 PM | Updated as of 08/12/2011 1:34 PM
|
|
|
Post by nicky on Aug 12, 2011 18:07:54 GMT 8
Phil Younghusband follows Angel Locsin to ParisMANILA, Philippines - Actress Angel Locsin finally admitted that Azkals' heartthrob Phil Younghusband followed her in Paris. In an interview during a story conference for her upcoming film with John Lloyd Cruz, Locsin bared that she's happy spending time with the football player in the City of Love. "Masaya kami nakapagbakasyon kami doon kasi hindi naman namin nagagawa yon dito sa Manila. Sumunod siya oo, sumunod siya sa Paris. Siyempre masaya at sinundan ka sa Paris," Locsin said. Locsin said it was Younghusband's first time to tour Paris. "Nakapunta na siya noon kaya lang hindi siya naka-ikot. Nandoon yata siya noon para sa match. Ngayon lang siya naka-libot," she said. Locsin went to Paris to do shows with other Kapamilya stars. When asked if she and Younghusband are already a couple, the actress said: "Actually nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi parang pare-pareho lang ang sinasabi ko, at kapag may sinabi ako hindi naman naniniwala. Basta ako gusto ko munang kilalanin ang isa't isa. Ganoon din siya. Masaya naman kami." abs-cbnNEWS.comPosted at 08/12/2011 12:47 PM | Updated as of 08/12/2011 12:47 PM
|
|
|
Post by nicky on Aug 12, 2011 18:11:27 GMT 8
Angel prepares for her futureBack in town is Angel Locsin, who just arrived from Paris after attending the premiere screening of her blockbuster movie, In the Name of Love, with Aga Muhlach and Jake Cuenca sa nabanggit na bansa. Guess what she did right away? Well, nag-report siya agad for the shoot of a commercial na mag-i-start i-air in September. The following day (Wednesday), she led the groundbreaking of a five-storey building located sa Holy Spirit Drive, Commonwealth, Quezon City, which, she said, ay bunga ng kanyang pinaghirapan. The building will be both residential and commercial. Her family already has a building in the same area, a small one, actually, being rented out. “It’s my dad (Angel Colmenares) who is helping me invest whatever little earning mayroon ako. “I know I have to prepare for my future. Hindi ako mananatili sa showbiz habang panahon. “In time, I know I will give way to new faces. Kaya, I make sure that I take every opportunity that comes my way. “Labis-labis ang pasasalamat ko sa mga tao behind my career. Sa Star Cinema, na pinamamahalaan ni Malou Santos, at sa ABS-CBN, headed by Gabby Lopez and Charo Santos-Concio,” ang seryosong saad ni Angel. She added, “Lalo na ’yung nasa Itaas. Salamat po.” By the way, shooting for Angel’s movie with John Lloyd Cruz will start last week of August. Published : Thursday, August 11, 2011 00:00, Online JournalWritten by : Nel Alejandrino
|
|
|
Post by nicky on Aug 14, 2011 2:04:51 GMT 8
Angel Locsin and Phil Younghusband Interview during the Century Tuna Event
|
|
|
Post by nicky on Aug 14, 2011 2:05:50 GMT 8
Angel Locsin - Hapee Toothpaste TVC 2011
|
|
|
Post by nicky on Aug 14, 2011 2:09:12 GMT 8
Angel Locsin talks about meeting Phil Younghusband in ParisSa ginanap na story conference ng gagawin niyang pelikula with John Lloyd Cruz, sinabi ni Angel Locsin na nagkasama nga sila ni Phil Younghusband sa Paris, France dahil sumunod doon ang football star. Pumunta kasi ang aktres sa City of Lights para sa screening ng kanyang pelikulang In The Name Of Love. “First time ko mag show don, puno [ng tao] nakakatuwa ang mga tao don. Akala ko nga ‘di na sila manonood kasi lumabas na ‘yung DVD ng [movie].” Aniya, medyo naging maiksi nga lang ang bakasyon nila at kaunti lang ang kanilang nalibot. Hindi raw yun ang first time na makapunta ni Phil sa Paris pero nung magpunta raw siya doon ay di ito nakapasyal dahil may laro sila noon. Ito naman ang first time ni Angel sa Paris. Sa ngayon daw nagsi-start na ang Azkals sa pagpa-practice at nagkakaroon sila ng laban sa iba’t ibang probinsya. “May match sila kanina sa Cagayan de Oro nanalo sila noong nakaraang araw tsaka kanina tapos I think nagpe-prepare daw sila sa isang match sa Taiwan.” Nang tinanong kay Angel kung ano na ang estado ng kanilang relasyon, ang sagot ng dalaga, “Nahihirapan na akong humarap sa inyo. Kasi parang pare-pareho ang sinasabi ko. ‘Pag sinabi [ko] naman hindi naniniwala. Basta ako, tahimik lang ako. Gusto ko lang munang i-make sure, kilalanin [ang isa’t-sa]. Basta masaya kami.” Naitanong din sa aktres kung hindi ba nagugulat si Phil sa atensyong ibinibigay sa namumuong relasyon nila ni Angel. Ibinida pa nga ng aktres na si Phil pa mismo ang nagsabi sa kanya na huwag masyadong alalahanin ang sinasabi ng ibang tao. “Clueless kasi siya kung bakit may issue. Hindi niya maintindihan kung bakit may isyu, hindi niya alam. Kasi hindi naman sanay na kung paano ang media,” paliwanag ni Angel. “Hindi niya alam na popular siya kasi di naman niya iniisip dati. Minsan siya na ang nagsabi sa akin kasi ako na nagpa-panic, ‘O, paano na? Baka isipin ng tao it’s just for publicity.’ Ganon, kaya as much as possible ayoko talagang pag-usapan kasi baka akala ng iba, gimik lang o ano. Syempre matalino naman siya para i-explain na bakit ko kailangang isipin ang iba kung masaya naman kami. “Sa totoo lang as much as possible ayoko talagang napag-uusapan ‘yung personal kong buhay. Wala naman siya. Pero artista [ako]. Ang hirap lang ngayon ang bawat gawin alam ng iba. Pero okay naman.” Tinanong si Angel kung magiging open ba siya na sabihin kung sakaling magkaroon ng development ang kanilang relasyon ni Phil. “Actually feeling ko nga alam na ng lahat ang nangyayari sa amin ngayon. Nagbakasyon kami don [Paris] kasi ‘di namin nagagawa dito ‘yon. Siyempre masaya na sinundan ka niya sa Paris.” 8/13/2011 9:50 PM by: Bernie Franco, Push
|
|
|
Post by nicky on Aug 15, 2011 2:57:09 GMT 8
Angel hindi nag-expect na susundan ni Phil sa Paris Kamakailan ay nagpunta si Angel Locsin sa Europe kasama ang ilan pang Kapamilya stars para sa Bida Kapamilya show doon. Napabalitang lumubog daw ang yateng sinasakyan ng aktres habang bumabaybay sa St. Tropez, France kaya marami talaga ang nag-alala para kay Angel. “Basta may mga tumawag sa akin kasi nag-aalala sila kasi may isang site yata na parang sinasabi na missing nga ako sa Paris, na parang may sinakyan akong yacht. Lumubog at hinahanap ako ng guards at wala raw makita na kung anong remnants ‘yun. Medyo nagulat lang ako na may effort na may gumawa ng website talaga eh,” pahayag ng aktres. Samantala, sinundan daw ni Phil Younghusband si Angel sa Paris para makapagbakasyon ang dalawa at para na rin ipagdiwang ang birthday ng football player noong August 4. “Sumunod siya sa Paris. Siyempre masaya na sinundan ka sa Paris. Nasabi niya sa akin ‘yun dati na susunod siya pero ‘di ko in-expect siyempre baka ‘di pumunta ‘di ba. Ayoko naman so ayun, sumunod naman siya,” kuwento ng aktres. Naging masaya naman daw ang bakasyon nina Angel at Phil sa Paris kahit maiksing panahon lang nagkasama ang dalawa roon. “Hindi na ako nakaikot sa Paris. Actually medyo bitin din kasi, saglit lang naman kami dun. ‘Yun lang. masaya kami, nakapag-bakasyon kami doon, hindi naman namin nagagawa dito ‘yun sa Manila,” dagdag pa ni Angel. Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Phil at Angel ngayon? “Actually, nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi kapag may sinabi naman ako ‘di naman naniniwala. Basta ako, ganito lang, ang gusto ko lang munang i-make sure at kilalanin ang isa’t isa eh. Ganun din naman siya eh, masaya kami eh ganun,” makahulugang pagtatapos ni Angel. SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin ([ur=http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=716816&publicationSubCategoryId=96l]Pilipino Star Ngayon[/url]) Updated August 15, 2011 12:00 AM
|
|
|
Post by nicky on Aug 15, 2011 3:04:13 GMT 8
Kawawang Sam Pinto. Marami ang nag-react nang malaman na kinonsider siya na gumanap sa role ng Angela Markado, isa sa mga pinaplanong isapelikula uli ng Viva Films mula sa nobela ni Carlo Caparas. Ginampanan ni Hilda Koronel ang role na sinasabing napaka-hirap at talagang nangangailangan ng isang husay na mayroon ang isang katulad ni Hilda, pero baka wala ang pinaka-seksing babae sa mundo sa kasalukuyan. Baka raw makaya pa ito ni Angel Locsin. Sinabi ni Viva boss Vic del Rosario na hindi pa naman pinal ang mga naka-cast na artista sa ilang mga nobela na uunahin nilang gawin. SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio ( Pilipino Star Ngayon) Updated August 15, 2011 12:00 AM
|
|
|
Post by nicky on Aug 15, 2011 4:07:40 GMT 8
Angel as 'Angela Markado'?Sa presscon nina Vic del Rosario at mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa para sa pagsasanib pwersa ng Viva at Caparas, may nag-suggest kung bakit hindi na lang si Angel Locsin ang kunin for Angela Markado na isa sa mga nobela ni Direk Carlo na nabili ng Viva. Si Sam Pinto kasi ang orihinal na napipisil na magbida sa pelikulang dating pinagbidahan ni Hilda Koronel pero may nagsabing mas bagay daw ito sa mga artistang made na tulad ni Angel kaysa kay Sam. Pero sey naman ni Direk Carlo, hindi pa naman final ang mga artistang napisil nila para sa mga pelikulang gagawin at kung baga, peg pa lang naman. Kakausapin pa raw nila isa-isa ang mga artista at kung magkakasundo, doon pa lang magkakaroon ng final negotiations. Bukod sa Angela Markado, ilan sa mga ire-remake nila sa ilalim ng bagong tatag na Caparas Studios ay Bakekang, Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, Panday Kids, Rosenda, Maestro, Dugong Buhay, Tasya Fantasya, Dalawang Kagat sa Mansanas, Jacoba, God Save Me, Paano Hahatiin ang Puso at marami pang iba. Hindi pa rin pinal kung isasa-teleserye o isasapelikula ba ang mga remakes pero ayon kay Donna, she prefers movie than teleserye dahil bukod sa dito sila mas sanay, mas may kita raw. Sa teleserye raw kasi, unless network ka na bulto-bulto ang paggawa ng teleserye ay hindi ka kikita. ’Pag independent ang producer na paisa-isa lang, mahina raw ang pasok ng pera na totoo naman, in fairness. As we all know, dating producer sina Donna at Direk Carlo at may sarili silang produksyon, ang Golden Lion Films. Sey ni Donna, wala raw ni isang nalugi sa mga prinodyus niyang pelikula kaya mas gusto raw niya talaga ang movies. Published : Sunday, August 14, 2011 00:00 Article Views : 297 Written by : Vinia Vivar, OnlineJournal
|
|
|
Post by nicky on Aug 16, 2011 1:16:02 GMT 8
John Lloyd excited na naman kay AngelPagkatapos magtambal sa telebisyon nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa teleseryeng Imortal ay muling magtatambal ang dalawa. Ngayon ay nakatakdang magtambal sina John Lloyd at Angel sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon. Excited na ang dalawa dahil ang blockbuster director na si Direk Cathy Garcia-Molina ang gagawa ng nasabing proyekto. “Ako kasi sinasabi ko kay Lloydie na sana magkaroon kami ng pelikula na mas light sa Imortal, ’yung hindi nagsusuntukan, kagatan, iba naman. ’Tapos si Direk Cathy pa ang direktor. Excited talaga ako,” pahayag ni Angel. “Panibagong mundo na naman ang papasukin namin. Romantic drama, nasa ganun,” komento naman ni John Lloyd. Ayon sa aktor, may mga fans na nalungkot noong hindi pa malaman kung sino ang kanyang makakapareha sa susunod na pelikula. “Kung puwede lang sabay-sabay. Ako po empleyado, kung ano ang pinapagawa, ginagawa ko pero ito, finally sana i-welcome n’yo kung paano n’yo ko i-welcome doing my movie with Sarah (Geronimo), Toni (Gonzaga), Bea (Alonzo). Para sa lahat ng sumusuporta sa amin as a love team or individually, sana ma-excite kayo kung paano kami na-e-excite,” pakiusap pa ni Lloydie. –Reports from JAMES C. CANTOS SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda ( Pilipino Star Ngayon) Updated August 16, 2011 12:00 AM
|
|
|
Post by nicky on Aug 16, 2011 1:30:56 GMT 8
Angel and Mother Lily kiss and make upNAKU, Leo (Bukas), I wonder how Angel Locsin and Luis Manzano would have reacted to each other kung nagkaroon sila ng chance encounter sa birthday event ni Aga Muhlach, which Aga organized sa Top of the City in Makati City last Friday. That would have been the ‘exes’ first time na maka-face-to-face ang isa’t isa. Sa totoo lang, we had no idea that Luis was invited by Aga to the party. Ang alam namin na inaasahan niyang dumalo ay ang father na si Edu Manzano who was not a show up either. Not that Luis is not close to Aga. For he is. I remember that when he was not yet in showbiz, he always made it a point na ipakilala kay Aga ang kanyang girlfriend na ’di taga-showbiz of course. May something in common kasi sina Aga at Luis. Si Aida Fandialan, Luis’ mom’s Batangas Governor Vilma Santos current “girl Friday.” Parehong ninang to the two of them (Aga and Luis) si Aida. Well, it’s a common knowledge among us kung anong state ng relasyon mayroon ngayon sina Angel at Luis. Although, individually, personal and otherwise, they are doing all right. Si Luis is said to be secured and in love kay Jennylyn Mercado. In the case of Angel, although binabanggit niyang wala pang serious commitment sa isa’t isa sila ng Azkals player na si Phil Younghusband, ’di naman niya ipinagkakailang they now date each other exclusively. * * * On the other hand, sa nabanggit na party ni Aga which Luis would have discovered was ‘exclusive na exclusive’ at walang media coverage of any sorts (although may in-assigned si Charlene Gonzalez na private photographer to cover the affair), Angel had a pleasant encounter with Mother Lily and her daughter, Roselle Teo. For the past two years, Mother Lily didn’t keep secret na meron siyang “tampo” kay Angel when she failed to do a movie sa Regal when that ‘offer’ was still ‘covered’ by a contract na pinirmahan ni Angel. But as Mother Lily said: “That is all water under the bridge na. As one grows older, you wouldn’t want to burn bridges. Although I hope makagawa pa rin ng movie sa akin si Angel.” “I’m happy with what’s happening to her career now.” Published : Tuesday, August 16, 2011 00:00 Written by : Nel Alejandrino, Online Journal
|
|