Angel, grateful for her new movies by Nel Alejandrino
Thursday, 29 July 2010 18:28WHILE Angel Locsin says na grateful siya na ang dalawang projects na kanyang ginagawa ngayon ay inaabangan na ng Pinoy moviegoers and televiewers, she regrets na ’di niya napagbigyan ang ilang hiling na may kinalaman sa kanyang pagiging advocate ng several charitable causes.
She is doing the movie Huling Sayaw with Aga Muhlach and the upcoming series, Imortal, opposite John Lloyd Cruz.
Matatandaang noong nakaraang taon, kasama ni Angel si Anne Curtis na tumulong sa mga nabiktima ng Typhoon Ondoy.
Kabilang na rito ang pag-o-auction nila ng items na kanilang hiningi from fellow celebrities.
Dahil karamihan sa items ay imported at slightly used lamang, malaki-laki ring halaga ang kanilang kinita.
The amount was later turned over to several charitable institutions, kabilang na ang Philippine National Red Cross (PRC) at Bantay Bata Foundation.
Touched na touched si Angel sa isang text message na galing kay Claire Obispo, who said that she works for Tina Monzon-Palma, former newscaster and now head of Bantay Bata Foundation.
The items pala na kanilang dinuneyt sa Bantay Bata ay in-auction sa isang Melbourne dinner dance na dedicated sa Bantay Bata.
Now, they want to give Angel something to express their gratitude to her.
* * *
Angel also recently received a letter from RJ Ledesma, part-time tv-movie actor, commercial model at editor-in-chief ng Uno Magazine.
RJ told Angel that he wants to dedicate the mag’s September issue sa late film critic na si Filipino-Canadian Alexis Tioseco.
Prior to his death, may website si Alexis which featured interviews and criticized the Southeast Asian filmmakers and movies.
He was also an arts faculty professor sa University of Asia.
But as published in the newspaper, Alexis was killed in his house in Quezon City a year ago.
Kasama niyang binaril ang kanyang girlfriend na si Nika Bonmic.
Today, a year later, ang kanilang pagkamatay ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.
It’s in this regard daw sana, ayon kay RJ, na he would like to invite Angel, together with ABS-CBN talents Cristine Reyes and Bianca Gonzales, sa isang pictorial na nagsasaad na sinusuportahan nila ang kampanya seeking justice for a slain member of the arts and culture group.
Iyon nga, according to Angel, dahil halos araw-araw ay nagsu-shooting siya, kung hindi man nagte-taping, hindi niya mapagbigyan ang kahilingang ito ni RJ.
Ang ibang time naman daw niya ay devoted to her commercial endorsements.
* * *
THE actress’ latest endorsement, aside from Century Tuna, ay ang twin 18-storey residential condominium na strategically located sa heart mismo ng Aseana Business Park sa Bay City, Parañaque.
By the way, have you been to Bay City, Ian F.?
Naku, you should go.
Comprising over 1,000 hectares, this early, ini-envision daw ito to be the next business capital ng Pilipinas.
It will also soon become the site of Pagcor’s Entertainment City daw, which will be dubbed as the “New Vegas.”
* * *
Kinumusta rin namin ang lovelife ni Angel. After all, considering her overly busy schedule, may time pa ba siya to entertain suitors?
Hindi niya ipinagkailang minsan ay dumalaw si Luis (Manzano) para “mangumusta.”
Ang medyo ikinababanas lang daw ni Angel ay ang balitang niregaluhan siya ng bike ni Chito Miranda, vocalist ng bandang Parokya ni Edgar.
While she admits na magkaibigan sila ni Chito at nakakasama nila ito paminsan-minsan ng kanyang mga kaibigang babae (kabilang na si Bubbles Paraiso), hindi raw siya niregaluhan nito ng bike.
Yes, aminado si Angel na biking has become her favorite sport, dahil naengganyo raw siya sa mga naririnig niyang kuwento ni John Lloyd Cruz tungkol sa benefit ng pagba-bike.
Like John Lloyd, ang bisikletang ginagamit ni Angel ay ipina-assemble niya sa tulong ni Manu Sandejas, asawa ng singer-actress na si Agot Isidro.
Biking expert daw kasi si Manu.
- journal on line