|
Post by nicky on Mar 6, 2010 4:08:10 GMT 8
by Beth Gelena Friday, 05 March 2010 19:42 IGINIIT ni Angel Locsin na happy siya sa bakuran ng ABS-CBN kaya pumirma siya ulit ng 2-year contract dito. “Dati hindi naman ako nakikilala bilang aktres ‘di ba? Parang ‘pag sa mga awards night hindi naman ako tinatawag. Pero dito, kahit papa’no natututo ako, mas nagiging serious ka sa craft mo. Actually mas minahal ko itong trabaho ko kaya nagpapasalamat ako,” say ni Angel. Kahit daw nasa planning stage ang projects niya sa Dos, alam niyang right project ang mga ito at hindi siya nagrereklamo. Natuturuan din daw siyang ma-ging patient. Sa soap nga daw nila ni John Lloyd Cruz na matagal ding nabimbim, okay lang sa kanya dahil nakita niyang worth naman daw ang pagsasamahan nilang dalawa. “Sobrang excited na ako magtrabaho ulit dahil ang ganda ng story, ang ganda ng makaka-partner ko kaya happy talaga ako.” Nagkita sina Angel at Lloydie sa station ID na ginagawa ng Kapamilya network at simpleng “Hi” lang daw ang nasabi niya sa aktor. “At least kahit paano nawawala na ‘yung tension. Hindi ko pa masyado na-kikita yung makulit na side niya. Medyo dramatic actor pa ‘yung tingin ko sa kanya. Pero I’m sure mas makiki-lala pa namin ang isa’t isa kapag magkasama na kami sa taping,” say pa ni Angel. www.journal.com.ph/index.php/showbiz-tsismis/4512-greta-exclusive-kapamilya-star-na.html
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 4:25:19 GMT 8
by Vinia Vivar Friday, 05 March 2010 18:28 Isa pang natanong kay Ate Vi ay ang lovelife ng anak niyang si Luis Manzano. As we all know, matiyagang sinusuyo ng aktor ang ex-girlfriend na si Angel Locsin. “Basta ang alam ko, ang anak ko, matiyaga, eh. Pero kung anu’t anuman ang mangyari, ang sa akin naman, respect lang. “Gusto kong matapos man, magbalikan man o hindi na, maiwan lang ’yung respeto nila sa isa’t isa kasi may pinagsamahan sila, eh. Sabi nga nila, don’t burn bridges.” Hindi ba siya nag-attempt na kausapin si Angel? “Ay, I don’t want to meddle. Nagkakausap kami minsan ’pag magkasama, but to tell them what to do, I don’t meddle,” say pa ng re-electionist na gobernadora. www.journal.com.ph/index.php/showbiz-tsismis/4472-ate-vi-bumuwelta-sa-mga-naninira.html
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 4:52:47 GMT 8
Vilma, malabong ikampaniya ni Angel!REY PUMALOY FRIDAY, MARCH 05, 2010 MASAYANG humarap si Gov. Vilma Santos sa entertainment press last Wednesday night. Si Mother Lily Monterverde ang nagpasimuno ng presscon na `yon, bilang suporta na rin ng producer sa kandidatura ni Ate Vi, at ni Sen. Ralph Recto Bungad na kuwento ni Ate Vi, kagagaling lang nila sa Gawad Tanglaw Awards, na kung saan ay nanalo nga siyang best actress para sa pelikulang In My Life, at ganun din ang anak niyang si Luis Manzano na nanalo naman bilang best supporting actor para pa rin sa In My Life. “I was excited when I got the best actress award. Pero siyempre, umiral ‘yung pagka-nanay ko, first time. Na-excite ako sa anak ko. Marami na rin siyang award pero sa hosting. Pero ito, acting award. I’m very-very proud of him,” say ni Ate Vi. Kasama ni Ate Vi sa presscon na `yon ang bunso niyang anak na si Ryan Christian na 13-years old na ngayon. Sa tingin ni Ate Vi ay mas mahilig sa pulitika si Ryan kesa sa showbiz. “Mukhang may leaning sa politics. Nakikita niya sa klase ng trabaho ko, kaya ‘yun parang nai-influence siya. Baka politics din? Puwede rin siya sa showbiz, dahil mahilig din siya. Pero, bahala na kung saan niya gusto. We will support him all the way,” pahayag pa ni Ate Vi. Siyempre, natanong di si Ate Vi tungkol sa nalalapit na pagbabalik ng Pilipinas ng kumare niyang si Nora Aunor, at pati na sa pagpapaayos ng mukha nito sa Japan. “Hindi lang naman si Mare ko ang gumawa niyan. Marami nga riyan not for anything mas bata sa akin nagpapaayos na. There’s nothing wrong with that. Ako kung sa tingin ko kailangan na bakit naman hindi? Walang masama na i-enhance mo ang beauty mo,” sabi niya. Buong-puso raw na iwi-welcome ni Ate Vi si Ate Guy sa pababalik nito sa bansa. “Oo naman, welcome na welcome siya. Nu’ng nagkaroon kami ng premiere night ng In My Life sa States, nagkausap kami. Dapat manonood siya, kaya lang biglang nagkaroon ng bisita sa kanila. Kaya ang pinapunta niya ay ang mga close friends niya. May communications kami.” Handa pa rin daw siyang tuparin ang napag-usapan nila ni Nora na siya mismo ang susundo sa superstar sa airport. “Kung tatawagan niya ako, susunduin ko siya. Dadalhin ko siya sa Batangas! Ha! Ha! Ha! Ha! Biro lang. ‘Yun ang usapan namin. Alam niya ang number ko.” Isa nga raw sa mga gusto ng Superstar ay ang makagawa sila uli ng pelikula ni Ate Vi. Gusto rin daw ni Ate Vi, pero hindi raw niya alam kung kailan mangyayari `yon. “Sa totoo lang gusto ko talagang gumawa ng maraming movies. In fact ang daming naka-line up. Ang nangyayari ngayon priority. Ang priority ko kasi still ay ‘yung pagiging public servant.” Siyempre, inusisa na rin ng media ang tungkol sa Malabo na talagang magkabalikan pa ang anak niyang si Luis at si Angel Locsin.
“Basta ang alam ko matiyaga ang anak ko. Pero kung anuman ang mangyari, respect lang. Gusto ko kung matapos man o magkabalikan man, maiwan lang ang respeto nila sa isa’t-isa dahil may pinagsamahan sila. Sabi nga nila, don’t burn bridges.”
“I don’t want to meddle sa kanila. Nagkakausap kami pag magkasama, but to tell them what to do, ayoko,” dugtong na sambit pa ni Ate Vi.
Anyway, si Ate Vi na rin mismo ang nagsabi na malabong ikampaniya siya ni Angel.
“Wala! Dahil hindi rin naman ako nag-i-invite. Ah, kasi pag may nangampanya sa iyo dapat nanggagaling sa puso nila kasi naniniwala sila sa iyo. So, hindi pa namang namin napag-uusapan. Saka hindi pa naman start ang local campaign. Sa March 26 pa,” sabi na lang ni Ate Vi.www.abante.com.ph/issue/mar0510/ent_rp.htm
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 5:33:22 GMT 8
di ko muna post eto before kasi not sure if true ..anyway kalat na ang news sa twitter pero wala pa ring confirmation so let's see na lang because we will come to know naman later on ... March 5, 2010 HINDI NA SI Angel Locsin ang makakapareha ni Vhong Navarro sa Kokey ng channel 2. Base sa nakalap naming balita, si Toni Gonzaga na raw ang makaka-love interest ni Vhong sa nasabing programa. Ayon sa aming source, ang dahilan kung bakit pinalitan ni Toni si Angel ay dahil gagawa ng soap opera si Angel with John Loyd Cruz at hindi naman magiging magandang panoorin kung sa isang araw ay dalawang beses na mapapanood si Angel sa dalawang project ng Dos. Teka napapansin ko, parang lagi na lang second choice si Toni. Hindi kaya maging “Second Choice Queen” ang magandang aktres-host na ito? More Luck by Morly Alinio www.pinoyparazzi.com/john-lloyd-cruz-at-john-prats-nag-iwasan-sa-gawad-tanglaw/
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 5:37:02 GMT 8
March 5, 2010 ABA, MAY MGA pinopormahan na palang mga tsiks si Ryan Christian Recto! For the record, turning fourteen na si Ryan at nasa Grade 7. And when asked kung nagagalit ba si Daddy Ralph sa ginagawa niyang panliligaw, aba’y hindi! Excited at suportado pa nga ni Daddy Ralph si Ryan sa panliligaw. “Idol nga niya ang Kuya Luis niya, e,” sabi pa ng husband ni Vilma Santos. Hmm… mukhang alam ni Daddy Ralph na medyo mahilig sa tsiks si Luiz Manzano, huh! But of course, kahit ine-encourage ni Daddy Ralph si Ryan sa kanyang panliligaw, e, lagi niya itong pinapayuhan na ‘wag manloko ng mga girlets. I-enjoy lang daw ni Ryan ang kanyang pagiging young, ang kanyang first crush, first girlfriend at first, ehem, ganu’n! At kapag humingi si Ryan ng pang-date, sigurado, suportado rin ‘yon ni Daddy Ralph although hindi pa naman daw naglalambing ng budget sa kanya ang kanyang bunso. Siguro, malaki ang allowance ng bagets kaya ganu’n. Hek-hek-hek! Kapag nagkataon, ang lucky-lucky naman ng magiging girlet ni Ryan. Teka, true ba ang nabalitaan namin na isa sa kanyang mga crushes, e, si Angel Locsin?
Hmmm… mukhang hindi natatakot si Ryan sa kanyang Kuya Luis, ha?For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com Sour-MINT by Joey Sarmiento www.pinoyparazzi.com/regine-velasquez-at-ogie-alcasid-gustong-tsugiin-ng-gma-execs-sa-bagong-sunday-variety-show/
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 13:06:22 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 15:12:58 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 21:52:40 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 21:55:24 GMT 8
Toni Gonzaga in Kokey @ AkoEric John Salut, adprom account head for a business unit in ABS-CBN TV production, confirmed today in Twitter that Toni Gonzaga will do Kokey @ Ako, which I heard from another source will start in June. I asked for confirmation from Darla Sauler but for some reason she did not reply because she normally does with this type of question. I read also before in STIR that Angel was asked by her new manager, Ethel Ramos, if she would still do Kokey @ Ako as she will be busy doing the movie with Aga. The following day, the same site reported that Angel and Star Cinema have decided to still do Kokey @ Ako. Oh well, as I mentioned before, plans of ABS-CBN are not set in stone and can change at the last minute regardless of a trailer being shown already in TV. Anyway, this latest update means Angel will concentrate on her TV series with John Lloyd Cruz and movie with Aga Mulach. These are the original plans anyway and I am happy that they are finally pushing through after months of waiting. twilightangela.blogspot.com/
|
|
|
Post by nicky on Mar 6, 2010 21:58:14 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Mar 7, 2010 3:15:49 GMT 8
Angel Locsin excited to work with Aga Muhlach and John Lloyd CruzMelba Llanera Saturday, March 6, 2010 10:37 PM After her first two-year contract with ABS-CBN ended, Angel Locsin signed up for another two years with the Kapamilya network. Under this new contract and with a new manager, Ethel Ramos, Angel's first two projects will pair her with premiere ABS-CBN stars Aga Muhlach and John Lloyd Cruz. "Nakaka-two years na pala ako sa kanila. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Heto pipirma uli ako para masimulan na yung movie ko with Kuya Aga and yung teleserye namin ni John Lloyd," banggit ni Angel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Naging kuntento at masaya naman daw si Angel sa mga proyektong ginawa niya sa unang dalawang taon niya sa ABS-CBN. Nakagawa siya ng dalawang teleserye (Lobo at Only You) at isang pelikula (Love Me Again) para sa Star Cinema, bukod pa rito ang ilang TV guestings gaya ng ilang episodes sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya. "I can say na dito [ABS-CBN] ako nakilalang aktres," deklara ni Angel. "Dati pag mga awards night, hindi naman ako tinatawag. Tapos dito, kahit papaano natuto akong mas maging serious ka sa craft mo. Basta ako, mahal ko ang trabaho kong ito. "Tuturuan ka rin nila na maging patient talaga. Kasi hindi naman kailangang laging nasa TV ka. Exposed ka nga, pero hindi naman ganun kagaganda yung projects mo, parang sayang lang ang gagawin. Dito, sobrang nag-e-enjoy talaga ako. Kahit medyo matagal yung paghihintay ko, okey lang kasi worth it talaga yung mga projects na excited talaga akong gawin." JOHN LLOYD & KOKEY. Isa na rito ay ang fantaserye niya with John Lloyd, at masayang ikinuwento ni Angel ang matitinding preparations na ginagawa niya para rito. "Di lang kasi siya basta-basta acting workshop kasi isa siyang fantasareye. Di siya normal na acting lang, basta may twist sa story na kailangan ng workshop sa acting. Tapos martial arts, harness at kung ano pa ang i-request ng director namin," saad niya. Isa rin sa nakalinyang gagawin sana ni Angel ay ang Kokey@Ako, pero may usap-usapan na hindi na raw matutuloy dito ang aktres. "Actually sa Kokey, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari," sabi ni Angel. "In-ask na rin ako ng management na kailangan ko nang simulan yung movie namin ni Kuya Aga, tapos yung sa amin ni John Lloyd. "Hindi ko alam kung kasama pa ako sa Kokey. Parang sayang lang kasi gusto kong makatrabaho si Direk Wenn [Deramas] saka si Vhong [Navarro], pero siyempre kailangan ko ring sundin ang management kung ano ang nakasulat sa timetable nila." NEW MANAGER. Kinumusta rin namin kay Angel ang relasyon nila ng bago niyang manager na si Manay Ethel at kung may komunikasyon pa sila ng dati niyang manager na si Becky Aguila. "Okey naman kami ni Manay Ethel," sagot ni Angel. "Nagsisimula pa lang kami, parang getting-to-know stage pa lang kami. Pero so far, okay naman kami. Very honest, professional... Open naman sa akin si Manay. Kumbaga, wala pa naman kami nagiging problema. She's very motherly, napakabait. "Kami naman ni Tita Becky, nagte-text kami, pero di pa kami nagkikita. Wala namang issue sa amin." LUIS MANZANO. Sa naunang panayam kay Angel ay sinabi niyang pinahihinto na niya ang sobra-sobrang pag-e-effort ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano para magkabalikan sila. Pero sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Luis na hindi siya nadi-discourage lalo pa't gusto niya ang ginagawa niya. Sinabi rin ni Luis na gusto niyang bumawi sa mga naging pagkukulang niya kay Angel. (CLICK HERE to read related story.) "Okey naman kami ni Luis, nag-uusap naman kami," ang reaksiyon dito ng aktres. "Ang sa akin kasi, wala pa akong dapat sabihin sa kung anuman, kasi kami ni Luis, we're okay, we're happy. Siguro ibigay n'yo na lang sa amin yun. Kung magiging kami, magiging kami. Pero hindi naman kami nagmamadali, hindi naman kailangan na maging kami agad. Wala kaming itinatago. Hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay. "Regarding diyan sa nagsisisi daw siya sa mga naging pagkukulang niya," patuloy niya, "as much as possible kasi hindi namin pinag-uusapan yung past. To be honest, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Ako, ayoko ng sobrang effort kasi ako yung may problem, ako naman yung hindi ready. Kasi kahit mag-effort nang mag-effort yung tao na hindi ako okey, mag-aaway lang kami. Ako, ayoko ng ganun, kawawa naman siya. Si Luis, hindi naman nawawala yun sa puso ko. Kung gaano siya ka-special noon, ganun pa rin siya sa akin. Kumbaga, kailangan lang namin ng space," paliwanag ni Angel. HELPING FRANCINE. Marami naman ang natuwa sa tulong na ibinigay ni Angel at iba pang mga artista sa aktres na si Francine Prieto, na ang ina ay may sakit na colon cancer. Isa kasi si Angel sa mga nanguna sa pagkakalap ng donation para makatulong sa medical expenses ng ina ni Francine. Pero ani Angel, "Lahat ng kasama sa industriya, tumulong naman, hindi naman kami nahirapang mag-ask ng tulong. Actually sila Anne [Curtis], sila Luis [Manzano], Diana [Zubiri] ang nagsimula. Kasi hindi naman ako kasama sa grupo nila, pinasok nila ako, tapos nagtulong-tulong kami. Kulang pa. Kailangan maka-one million, kailangan pa rin namin ng suporta ng mga tao kasi hindi ganun kadali ito." www.pep.ph/news/24912/Angel-Locsin-excited-to-work-with-Aga-Muhlach-and-John-Lloyd-Cruz
|
|
|
Post by nicky on Mar 7, 2010 4:27:20 GMT 8
One ambitious entry is "Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio,” which is a period film so it'll entail higher production cost. This is from Mario O'Hara and he'll start shooting this month. He's getting Alfred Vargas as Bonifacio and Coco Martin as Gen. Emilio Aguinaldo. He's now auditioning new female stars to play Bonifacio's wife, Gregoria de Jesus. He wanted to get Angel Locsin, but she's not available. We think Precious Lara Quigaman will be perfect for the role. And she can act, too. www.journal.com.ph/index.php/showbiz-tsismis/4549-magloloko-pa-ba-ako.htmlSaturday, 06 March 2010 19:15
|
|
|
Post by nicky on Mar 7, 2010 5:10:41 GMT 8
HINDI mapigilan ni Francine Prieto ang mapaiyak dahil sa mga tulong na natatanggap mula sa kapwa artista lalo na kina Anne Curtis at Angel Locsin na nagpasimula ng fund-raising para sa kanyang Mommy Amelia na may stage 3 ovarian cancer. “Malaking tulong tala-ga sila kay Mommy dahil sa sobrang mahal ng mga gamot at pagpapa-chemotherapy. Tinanggal ko na ‘yung hiya at pride ko dahil na-kikita ko si Mommy na gusto pa niyang lumaban at gusto ko pa niyang mabuhay,” say ni Francine. Hindi rin daw niya ikinahihiya kahit sabihin pa ng ibang tao na namamalimos siya para sa kanyang ina. “Lahat ay gagawin ko para sa mommy ko. Hanggang kaya kong madugtu-ngan ang buhay niya, I’ll do anything for her. Ganoon kasi kapag wala kang DOM na puwedeng gumastos para sa iyo. Kahit mamalimos sa ibang tao ay gagawin mo,” sabi pa ni Francine. www.journal.com.ph/index.php/showbiz-tsismis/4592-ruffa-lumipat-sa-tv5-dahil-kay-manny-pangilinan.htmlSaturday, 06 March 2010 21:20
|
|
|
Post by nicky on Mar 7, 2010 5:39:28 GMT 8
Allan Diones March 07, 2010 Sunday *snipped Naitanong din kay Vilma kung ano ang latest kina Luis at Angel Locsin. Ani Vilma, “Basta ang alam ko, ang anak ko, matiyaga. Kung anu’t anuman ang mangyari, sa akin, respect lang. “Gusto kong matapos man or magkabalikan man, maiwan lang ang respeto nila sa isa’t isa. Kasi, may pinagsamahan sila, eh. Sabi nga nila, don’t burn bridges.” Ikinatuwa rin ni Ate Vi nang malamang inamin ni Luis na ito ang may pagkakamali sa nangyari sa kanila ng nobyang si Angel. “Dapat n’yong hangaan ang anak ko because he’s such a gentleman kung meron siyang nagawang hindi maganda. So, I’m proud of him.” Hindi masabi ng madir ni Luis kung isa ba si Angel sa mga tutulong sa kampanya niya sa Batangas. Hindi rin naman daw kasi siya nag-iimbita at hindi pa napag-uusapan dahil sa Marso 26 pa ang simula ng kampanya for local positions. Kung sakali, ang gusto raw niyang kakampanya para sa kanya ay ‘yung nanggagaling sa puso. www.abante-tonite.com/issue/mar0710/entert_allan.htm
|
|
|
Post by nicky on Mar 8, 2010 3:12:51 GMT 8
DIRECTLINE By Boy Abunda (The Philippine Star) Updated March 08, 2010 12:00 AM Aside from being a champion of women’s rights, House Representative Liza Maza of Gabriela partylist, (now a senatorial candidate) is bravely sashaying into the world of fashion. Her outfits though are not ordinary ones. Her clothes speak about her advocacies, the issues she strongly stands for or against. The Gabriela fashion show, for example which she spearheaded, spoke of women’s opposition to politics of evil. When former US president George Bush addressed the Philippine congress in 2003, Liza wore a Filipiñana outfit with hand painted panuelo that articulated her position against military intervention and war. Last year during the President’s state of the nation address, Liza donned a katsa gown accentuated with wooden beads and hand painted golden image of President Arroyo weaving an embroidery of Constituent Assembly to portray her opposition to Con-ass. Liza will launch the Maza Line, a collection of dresses that evokes the principle of new politics; that nationalism is fashionable; and that political messages can be conveyed through fashionable creations that seek to educate the general public and to bring to the fore issues on women. The collection of three creations done by young fashion designer Dennis Cabalinan will be worn by Liza Maza herself, Angel Locsin and Lala Jara. Liza will wear a dress themed with patriotism; Angel will be dressed in clothes bearing the issues on women’s rights, and Lala will show off a creation with a subject on poverty. The creations will be launched to coincide with the International Women’s day in March.www.philstar.com/Article.aspx?articleId=555934&publicationSubCategoryId=70
|
|