|
Post by nicky on Jun 1, 2010 16:41:46 GMT 8
'Not True Po na naging kami ni Cogie' - Angel SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated May 31, 2010 12:00 AM “Hindi ko pa po nakita yung interview, but NOT TRUE po na naging KAMI ni cogie. Thanks guys ” tweet ni Angel Locsin kahapon. Hindi ko napanood, pero nakita ko sa Twitter na ikinuwento raw ng nagbabalik na aktor sa interview ng Paparazzi na nag-on sila ni Angel. Kaso kinontra agad siya ng aktres. www.philstar.com/Article.aspx?articleId=579967&publicationSubCategoryId=96
|
|
|
Post by nicky on Jun 1, 2010 16:43:22 GMT 8
BURNING HOT : Derek Ramsay and Angel Locsin!TUESDAY, JUNE 1, 2010 Panalong panalo ang Century Tuna sa super sexy endorsers nilang sina Derek at Angel ha! Walang makaka-kontra na pagdating sa katawan... nangunguna ang dalawa sa hottest list ng karamihan sa atin (oh and true ba na si Piolo Pascual din ay Century tuna endorser na?). Pagdating naman sa intriga, well hot na hot din sila di ba? Si Derek, nauna ko nang naisulat na sana tigilan na ang mga untrue na rumors about him. Hayaan na natin silang maging masaya ni Angelica Panganiban, at let's hope na may magandang balita silang dala-dala pagbalik nila from their South African Vacation. At eto mapunta tayo kay Angel Locsin. Mainit na pinag-uusapan ang issue tungkol sa kanya at kay Cogie Domingo raw? Ano ba yun. Diyos ko naman, ang opinyon ko : porket may pelikula itong si Cogie ngayon eh talagang gagamitin si Angel para mapag-usapan? Hay naku, last na sana to, wag na sanang patulan para hindi magtagumpay ang panggagamit ng iba dyan. For the Press Launch photo, visit www.darlasauler.com/2010/06/burning-hot-derek-ramsay-and-angel.html
|
|
|
Post by nicky on Jun 1, 2010 22:15:41 GMT 8
Originally Posted by anjuna123 (www.pinoyexchange.com)
RESBAK NI ANGEL KAY COGIE: NAKA-TAKE BA SIYA NG KATOL? ni Reggee Bonoan, Bandera
Pasintabi kay Nanay Cristy Fermin sa interview niya kay Cogie Domingo sa Paparazzi nu'ng Linggo, sinagot ni Angel Locsin ang naging pahayag ng aktor tungkol sa naging relasyon nila diumano.
Hindi na-panood ni Angel ang Paparazzi pero marami raw nagparating nito sa kanya kaya na-gulat siya at nag-post ng message sa kanyang Twitter account ng, "NOT TRUE!" na naging sila ni Cogie. Bitin kami sa tweet ni Angel kaya tinext namin siya kung ano talaga ang naging samahan nila ni Cogie sa Amerika.
"Naka-take yata ng katol si Cogie, ate! Paano niya sinabing naging kami? Mag-ka-kasama kami nina Ate (Ela Colmenares), Lani (Best friend niya) at iba pang friends the whole time, never kaming nagka-hiwalay!" sagot ng aktres sa amin.
Maging ang ina ni Cogie ay sumang-ayon din na naging boyfriend nga ni Angel ang anak at ipinakilala pa nga raw sa kanya nu'ng dinala siya sa bahay nila.
"Mag-ka-kasama nga po kaming pumunta sa bahay nila, kasama sina Ate at friends namin, ipinakilala ako sa mom niya. Kaya dumaan kami sa house nila, may ku-kunin daw si Cogie, mag-pa-palit yata ng car. Hindi ko po alam kung bakit na-isip ni tita (mommy ni Cogie) na kami na ng anak niya. Ang labo naman ni Cogie!" diretsong mensahe sa amin ng aktres.
"Kilala mo naman ako, ate, hindi ako nag-de-deny kapag naging boyfriend ko," dugtong pa ni Angel.
Wala raw ma-sa-sabi si Angel kay Cogie, napaka-bait, gentleman at ma-asikaso. Pero wala raw minutong nag-sama sila ni Cogie na silang dalawa lang. Ayaw naming isiping may pelikula si Cogie ngayon kaya siya nag-i-ingay, pero base rin sa pag-kaka-kilala namin sa kanya ay hindi naman siya ma-hilig sa gimik dahil man of few words ang aktor at baka nga na-misinterpret lang niya ang pagiging ma-lapit nila ni Angel.
Samantala, na-bitin naman kami sa issue sa pagitan nina Chavit Singson at Cogie. Nag-salita rin kasi ang aktor tungkol sa dating gobernador, aniya, "Sir, okey na po tayo, 'di ba?" Ano 'yun? Bakit hindi in-elaborate 'yun ni Cogie?
Kilala namin kung paano mag-tanong si Nay Cristy, hindi niya tina-tantanan ang kanyang interviewee, kaya nakapag-ta-taka na parang wala kaming na-kuhang eksplanasyon? Hmm, ma-tanong nga ito bukas sa ga-ganaping presscon ng Paparazzi.
|
|