Post by nicky on Aug 1, 2010 3:46:38 GMT 8
July 30, 2010
HINDI AFFECTED SI Angel Locsin kung marami man ang kumukuwestiyon kung bakit kahit na ang tagal-tagal niyang walang proyektong teleserye at mga pelikula, mukhang hindi siya naghihirap. Hindi katulad ng ibang mga artista na kapag walang trabaho ay mahahalata mong naghihirap sa buhay, dahil dumadaing at nangungutang sa kapwa nila mga artista. Ang huling teleserye kasi niya ay ang Only You ng ABS-CBN at ang huli niyang pelikula ay ang Love Me Again ng Star Cinema.
Ang unang salita na ibinuwelta ni Angel sa mga kumukuwestiyon sa kanya, ang katipiran niya at pagiging masinop sa perang kanyang kinikita sa kanyang pag-aartista, mula noon hanggang ngayon. Hindi raw siya gumagastos nang sobra pa sa kanyang kinikita. Pumapasok na rin siya sa mga negosyo na pinagkakaabalahan niya kapag wala siyang teleserye at pelikula. Bukod pa riyan ay mabenta at epektibo rin siyang product endorser, ‘di ba naman? Malaki rin ang talent fee niya riyan, kaya solved na rin siya kesehodang ang tagal-tagal niyang walang pelikula.
Happy ngayon si Angel, dahil bongga na naman ang kanyang showbiz career. May pelikula siya kasama si Aga Muhlach, under Star Cinema. Sila ni John Lloyd ang magkapareha sa teleseryeng Imortal ng Dos. Naglalagare siya ngayon sa dalawang mahalagang proyekto, kaya hindi muna niya pinapansin ang magkaroon ng lovelife. Hayan tuloy, nakabitin pa ang pagbabalikan nila ni Luis Manzano, habang nakapila pa rin ang ibang mga lalaki na nagpapa-ramdam ng panliligaw sa kanya.
ChorBA!
by Melchor Bautista
Pinoyparazzi