Post by nicky on Jul 19, 2010 2:18:13 GMT 8
Luis, suko na sa panunuyo kay Angel
MONDAY, JULY 19, 2010
(ROSE GARCIA)
HINDI nakaiwas si Angel Locsin na intrigahin dahil marami sa mga artistang kaama sa 100 sexiest ang hindi rumampa or dumating. Kabilang na nga rito si Cristine Reyes na nasa number 2 at Marian Rivera na nasa number 3 naman.
“Baka busy lang. Kasi miski naman ako noon, hindi rin ako nakakapunta. Ngayon lang talaga, effort lang talaga, extra time, kasi, pasasalamat na rin sa Summit,” sey ni Angel.
Nakiusap naman si Angel na huwag na lang silang intrigahin pa ni Cristine kung hindi man ito nakarating.
“Busy rin naman kasi ‘yun. Huwag niyo ng intrigahin. Kung siya siguro ang number 1, nandirito rin siya. At saka, okey kami ni AA.
“Although hindi kami madalas na nakakapag-usap ngayon, kung may may isyu man, wala lang talaga akong alam.”
May nagsabing napaka-ironic naman daw kapag sinasabi niyang wala siyang lovelife at single lang siya dahil sa pagiging number 1 niya as FHM’s sexiest, ibig sabihin lang, marami ang nag-a-admire sa kanya?
“May mga umaaligid. Pero, hindi pa ako nagdi-date. Wala pa ako sa dating stage. Wala rin ako sa texting stage or anuman.”
Kumusta na sila ni Luis Manzano?
“We’re still good friends. We still talk. ‘Yun lang.”
Sumuko na nga ba si Luis sa panliligaw sa kanya dahil sinabi niya na career muna ang focus niya?
“Hindi naman, ‘yung career muna. Hindi naman ‘yun ang pinag-usapan namin. Siguro, kailangan lang namin ng growth or mag-mature bilang individual. Pero, wala namang ganoon. Nag-uusap lang kami.
Like kanina, nag-usap lang kami, pero, wala kaming isyu.”
Bigla namang na-realize ni Angel na parang ang pangit daw palang pakinggan na zero siya sa lovelife.
“Parang hindi pala magandang pakinggan. Pero ang sarap maging single. ‘Yung time mo for your family, friends mo and hindi naman ibig sabihin na porke’t may guy kang kasama sa buhay eh, masaya ka, hindi gano’n.”
Choice niya na maging single muna?
“Yes. Kasi, hindi naman ako papasok sa bagay na hindi ako ready. I’m 25 na. Ayoko namang sayangin ang oras ko kaya hindi ako nakikipag-date sa hindi ko naman masyadong bet. Sayang ang oras, eh,” sey na lang ni Angel.
- Abante