|
Post by nicky on Feb 15, 2010 3:16:23 GMT 8
[other parts omitted] Binigyan-diin pa ni Maza na hindi lahat ng mga artista na nag-eendorso ng kandidato lalo na sa national positions ay binabayaran kaya hindi umano makatarungan na alisan ng trabaho ang mga ito sa mundong kanilang ginagalawan. Inihalimbawa ni Maza ang mga artistang sina Angel Locsin, Isabel Lopez, Aiko Melendez at maging ang TV talk show host na si Boy Abunda at iba pa na tumutulong sa kanyang kandidatura. Kahit isang sentimo aniya hindi binayaran ang mga artistang ito kaya hindi nararapat ang nasabing resolusyon ng Comelec. “They have freely volunteered, not a single centavo was paid to them. They have long supported Gabriela and have express their support for my candidacy because they believe in my advocacy for women’s rights and welfare,” ani Maza. For the rest of the article, click here
|
|
|
Post by nicky on Feb 15, 2010 3:57:51 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Feb 16, 2010 1:41:41 GMT 8
By Dolly Anne Carvajal Philippine Daily Inquirer First Posted 22:35:00 02/15/2010 Becky Aguila finally gives the real score about her and former ward Angel Locsin. Her text message goes: “It was a mutual decision for Angel and me to part ways. Magkasama kami sa hirap at ginhawa for eight years. Marami kaming pagsubok na pinagdaanan. May hangganan ang lahat. Nothing permanent but change. Ang importante naghiwalay kami nang maayos. Bago pa kami naghiwalay, naisara ko pa ang network contract niya and product endorsements’ renewal. “I wish Manay Ethel Ramos and Gel good luck sa team-up nila. I know Angel is in good hands. As for the reasons we split up: Minor irritations that were blown out of proportion na di naagapan at naayos. It has nothing to do with money matters. I just want to make that clear to the public.” Becky says Bye (Gel’s) Halo! showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20100215-253415/Its-Binoe-for-Toni
|
|
|
Post by nicky on Feb 16, 2010 2:03:28 GMT 8
Luis Manzano not discouraged by Angel Locsin's statementMelba Llanera Monday, February 15, 2010 05:55 PM Sa huling interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel Locsin ay marami ang nagulat nang sabihin nito na pinahihinto na niya ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano sa sobrang pag-e-effort na manligaw ulit dahil masaya na raw siya bilang single ngayon. Pinagtakhan ng iba ang biglang pagbabago ng isip ng dalaga. Dati kasi ay sinasabi nitong naa-appreciate niya at ayaw niyang balewalain ang effort ni Luis para magkaayos silang dalawa at hindi siya nagsasara ng pinto for a reconciliation. Upang makuha ang reaksiyon ni Luis sa sinabi ni Angel ay minabuti ng PEP na kausapin ang TV host-actor sa ASAP XV kahapon, February 14. "Ang kay Angel lang naman, ang sabi niya, huwag akong sumobra-sobra ng effort and that's perfectly understandable. Basta ako, ang masasabi ko lang, I'm trying to work things out, I'm trying to win her back, and I'm trying to fix things between us," sabi ni Luis. Hindi ba siya nasaktan o na-discourage sa sinabi ng kanyang ex-girlfriend? "Pag gusto mo ang ginagawa mo, bakit ka mapapagod?" balik-tanong niya. "If you really want to pursue something, kahit na ano pa humarang sa iyo, you go for it. Basta ako, if I want to do something, gagawin ko." Sa biglang pagbabago ng isip ni Angel, hindi kaya napagod na ang aktres dahil kahit wala na sila ni Luis ay away-bati pa rin ang nangyayari sa kanila? "May mga instances na ganun na minsan away-bati kami," pag-amin ni Luis. "Maybe that's one factor kung bakit nagkaganito kami. But for clarity on that issue, siya na lang ang tanungin ninyo coz I can't speak on her behalf." Sa interview ni Angel ay nagsalita din ito na iniingatan lang daw niya ang kanyang sarili na huwag nang masaktan muli. Aminado naman si Luis na may mga pagkakataon na nasaktan at nagkulang talaga siya kay Angel. "That's for her to say, siguro it's about how we will understand it. Gaya nga ng sinabi ko, it's really up to her to clarify that issue. But if that's the case, siguro naman kahit papaano, we can't blame her o kahit na sino pa man taking care of one's heart. "Alam ko na nasaktan ko siya kaya nga sinabi ko sa E-Live, gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko. There were instances na nasaktan ko talaga si Angel, pinagsisihan ko yun at alam niya yun. When you work hard for something and you lose it, you will work harder to get it back. You'll appreciate it so much more than the first time around," saad ni Luis. Nali-link ngayon si Angel sa vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at sa CNN Hero na si Efren Peñaflorida. Ayon kay Luis, hindi siya nakakaramdam ng selos o nate-threaten sa mga ito. "Hindi," sagot ni Luis. "Kasi kahit nung kami pa ni Angel, nakakasama namin si Chito. And si Efren naman, nakasama na rin siya. Ayokong isipin ang ganung mga bagay because nagiging too cerebral, thinking of so many factors. Nawawala yung purity ng intentions mo." CAMPAIGN AD. Lumalabas na ngayon sa TV ang campaign ad ng stepfather ni Luis na si Ralph Recto na tumatakbo ulit bilang senador. Dito ay kasama si Luis at ang mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos at ang half-brother niyang si Ryan Christian Recto. Ang tanong tuloy ng marami, paano na ang ama ni Luis na si Edu Manzano na tumatakbo namang vice president? "My Dad will come up with his own very soon and naghihintay lang ako ng tawag kung kailan gagawin. Wala namang whim kung willing ako o hindi. Gagawin ko talaga yun as support for my dad," pagtiyak ni Luis. PILIPINAS GOT TALENT. Bukod sa ASAP XV ay abala rin si Luis sa upcoming talent show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent. Kasama niya rito si Billy Crawford as co-host. "Kagagaling lang namin in Batangas for Pilipinas Got Talent," banggit ni Luis. "Napakainit ng pagtanggap ng mga Batangueño. And regarding the audition, lagi naming sinasabi ni Billy na expect the unexepected. When you least expect it, kung sinuman ang taong yun, they will blow you away sa galing nila. At the same time, yung iba talaga, walang ginawa kundi magpatawa lang on stage." www.pep.ph/news/24721/Luis-Manzano-not-discouraged-by-Angel-Locsins-statement
|
|
|
Post by nicky on Feb 16, 2010 2:15:00 GMT 8
Sinabihan nang `wag mag-effort: Luis Manzano, sige pa rin ng panliligaw kay Angel Locsin February 16, 2010
KUNG SI LUIS Manzano ang tatanungin, mas okey na raw sila ni Angel Locsin sa ngayon kumpara noong mga panahong kabi-break lang nila. Kung anuman daw ‘yong ilangan nila dati, kahit paano raw ay natanggal na.
“Nagkakausap naman kami palagi. And there’s nothing ano naman… no issues between us. At saka sinabi ko na naman na I am trying to fix things.”
Pero sa tono naman ng pananalita ni Angel sa pinakahuling press interview niya recently, tila malabo pa rin kung pagbabalikan nila ang pag-uusapan. Sinabihan na nga raw ng dalaga si Luis ng ‘huwag nang mag-effort.’
“Hindi kasi siyempre kahit papa’no, Angel has been through a lot,” reaksiyon ni Luis. “Ako naman, kaya ko nga sinasabi palagi na I am trying to work things out, siyempre gusto kong ayusin ‘yong sa amin.
“At saka kay Angel naman, she is enjoying kung anuman ang kalagayan niya ngayon. Actually kumbaga, if everything falls into place, we do good. If not then there’s a reason behind it kung bakit hindi.”
Pero kung sa iba sigurong lalaki na sinabihan ng binabalikang ex-girlfriend na ‘huwag nang mag-effort,’ siguro nag-give up na at hindi na nga mag-i-effort pa.
“Kaya nga. It goes to show na gusto ko nga talagang ayusin ‘yong sa aming dalawa.”
Nabanggit din nga ni Angel, si Luis naman daw kasi ang unang nakipag-break.
“Hindi ko na aanuhin ‘yong detalye ng paghihiwalay namin siyempre. So ‘yong tungkol do’n, sa amin na lang dalawa.”
Aware ba siya na late part of last year, may isyung nagdadawit kay Maricar Reyes na naka-fling daw umano niya na isa sa dahilan nga raw ng break-up nila ni Angel?
“Ayoko nang mandamay ng mga ganyan. Kumbaga sa amin ni Angel, ‘yong naging problema namin for the whole break-up, eh, sa aming dalawa na lang.
“Sobrang nasaktan talaga si Angel sa break-up namin? Hindi. The whole experience naman wasn’t easy for me and definitely hindi rin madali para sa kanya. You know, especially nagkaroon kami ng mga moments na away-bati. And… at least ako, I’m trying na ayusin ‘yon.”
At hangga’t wala siyang nakikitang bagong lalaki sa buhay ni Angel, hindi siya titigil ng muling panliligaw sa aktres?
“Basta ako, gusto ko talagang ayusin. So… let’s just see kung ano ang mangyayari sa aming dalawa. Whatever comes our way, whether maayos namin o hindi, eh, siguro iyon ang tadhana o ginusto ng Diyos para sa amin.”
Masasaktan ba siya kung sakaling mag-entertain ng ibang mga manliligaw ngayon si Angel?
“Siguro may konting factor na gano’n. Pero base naman sa mga nababasa ko, eh, wala pa naman. She is resting, ‘ika nga. So I will still try to fix things. At sana, may patutunguhan. Pero ayokong mag-assume,” sabi pa ni Luis.
Rubbing Elbows by Ruben Marasigan
|
|
|
Post by jullie on Feb 17, 2010 1:13:35 GMT 8
Written by Mildred Bacud Tuesday, 16 February 2010 00:03 [other parts omitted] Bagong manager ni Angel, may basbas ng Star Cinema execHUMINGI ng paumanhin si Angel Locsin sa TV host na si Boy Abunda tungkol sa mga kumalat na balita na s’ya na ang bagong manager ng aktres. Tugon naman ng TV host, wala itong dapat ihingi ng tawad dahil hindi naman daw nito kontrol ang mga naglalabasang balita. Samantala, kung hindi si Boy, kinompirma na ng aktres na si Ethel Ramos na ang bagong manager niya. Bagaman may ilang existing business contract pa s’ya kay Becky Aguila ay tatapusin muna raw n’ya ito. Mukhang masaya naman ang aktres sa naging desisyon n’ya. Bakas ito nang makita s’ya ng press people sa launching n’ya bilang bagong endorser ng Mosbeau beauty products sa imbitasyon ng aming kaibigang si Riyadh Chuapoco. Going back to Angel’s new manager, ayaw na raw ng aktres na i-elaborate pa kung bakit iniwan na nito ang dating manager. Gusto raw kasi n’yang manatili ang respeto nila sa isa’t isa. “Si Manay din naman nirerespeto niya si Tita Becky, so ayaw naming pag-usapan kung bakit (ako nagpalit). Basta siyempre parang moving on lang lahat, pero walang isyu sa amin so sana hindi rin maging issue sa iba.” Dagdag pa ni Angel may blessing daw ni Malou Santos, managing director ng Star Cinema na nakapirma ng kontrata ito, ang naging desisyon n’ya. www.hatawtabloid.com/showbiz/14018-closeness-nina-bea-at-shaina-nawala-dahil-kay-john-lloyd
|
|
|
Post by jullie on Feb 17, 2010 5:18:27 GMT 8
Morly Aquino, February 17, 2010 KAHIT NAGPAYAHAG NA si Angel Locsin na hindi na niya ie-entertain ang muling panliligaw ni Luis Manzano, itutuloy pa rin pala ng aktor ang kanyang panunuyo sa aktres. “Wala naman akong nakikitang masama kung maging makaibigan pa rin naman kami, ‘di ba?” Pahayag ni Luis na nagsabi pa ring marami talaga siyang naging pagkukulang sa dating katipan. Sinabi pa ni Luis na hindi niya masisisi kung hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa kanya ni Angel. “Basta sa ngayon, hindi pa ako titigil kasi ang sabi lang naman niya ay huwag akong masyadong mag- e-effort. Siguro dahil marami rin naman akong dapat tapusing commitment, ‘di ba?” Malaki ang paniniwala ni Luis na muli niyang mapapaibig ang aktres lalo pa’t tapat naman ang inaalok niyang pagmamahal dito at sinsero naman siya sa balak niyang pakikipagbalikan. www.pinoyparazzi.com/krista-ranillo-nasalisihan-si-jinkee-pacquiao/
|
|
|
Post by jullie on Feb 17, 2010 5:24:38 GMT 8
Luis Manzano, tuloy ang panliligaw sa kabila ng pangdi-discourage ni A. Locsin2/16/2010 7:02:03 AM Hindi natinag ang TV host na si Luis Manzano sa pahayag ng dati nitong kasintahan na si Angel Locsin na pinahihinto na niya sa panliligaw ang anak ni Vilma Santos. Napag-alaman na inihayag ni Angel na masaya na siya ngayon na single siya at huwag na umano masyadong mag-effort pa ang binata. Ngunit inihayag ni Manzano na walang makakaharang sa isang tao kung gusto nito ang ginagawa. Ayon sa aktor, inaayos niya ang relasyon nilang dalawa at gusto niyang makuha muli ang pag-ibig ng aktres. Hindi naman daw natatakot si Luis sa mga lalaking nauugnay ngayon sa kanyang dating kasintahan. Samantala, kung suportado sa kampanya ang kanyang stepfather na si Ralph Recto, inihayag naman ni Luis na naghihintay na lang siya ng tawag ngayon mula sa kanyang ama na si Edu Manzano upang gumawa din ng campaign ad para dito. www.bomboradyo.com/entertainment.asp?ID=132963
|
|
|
Post by jullie on Feb 17, 2010 5:40:04 GMT 8
by Nitz Miralles Tuesday, 16 February 2010 17:14 Nabasa namin sa kanyang Twitter account ang reaction ni Kris Aquino sa na-text sa kanya ni Angel Locsin na may edited picture sa Facebook ang anak na si Baby James na naka-dirty finger sign.Sabi ni Kris: “How foul naman to pick on a 2-year-old! Super major karma whoever is behind that. To prey on an innocence of a child. Hayyy! So evil.” Tiyak na hindi rin matutuwa si James Yap na pati anak niya ay isinasama sa kung anong isyu meron ang nag-post noon kay Kris at sa Aquino family. Siyanga pala, nasa Baguio si Kris kahapon pa para sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN na magpa-pilot na sa February 21. www.journal.com.ph/index.php/showbiz-tsismis/3232-kris-imbiyerna-sa-pagdi-dirty-finger-ni-baby-james-sa-internet.html
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 0:29:31 GMT 8
ABS-CBN widens national lead February 17, 2010, 4:19pm ABS-CBN has significantly widened its national lead over its closest competitor in 2009, from a 44% audience share vs competition’s 37% share in Feb 2009 to 48% vs 31% by December 2009 as seen in the TV ratings Total Homes data from global research specialist Taylor Nelson Sofres (TNS). This phenomenal growth from a seven percentage point lead to a 17 percentage point lead is attributed to the strong focus of the network with its core viewers, its commitment to production quality, improvements in TV reception, its great storytelling and huge star cast with its popular television series. The momentum was significantly noticeable with the shift in Mega Manila audience share. ABS-CBN has cut down the lead of its competition from nine-percentage points in February (ABS-CBN 34% vs GMA 43%) down to only two percentage points in December (ABS-CBN 37% vs GMA 39%). Metro Manila, which comprises the majority of Mega Manila, drove the Mega Manila audience shift from ABS-CBN’s 37% vs the competition’s 40% share in February to ABS-CBN leading Metro Manila with 39% against the competition’s steadily dwindling share down to 35% by year end. Throughout the country, ABS-CBN is still the undisputed national leader with its overall 2009 performance of 45% audience share vs GMA’s 34% as it also exhibited a runaway leadership in Luzon areas outside Mega Manila with 49% audience share against competition’s 32%; in Visayas with 62% vs. 22%; and in Mindanao, where it trashed its competitor, 70% vs 15%. Fourteen out of the Top 15 national regular programs of 2009 were produced by ABS-CBN with the competition’s best bet, taking only the 11th slot. Its most popular program, “May Bukas Pa” (37.2%), was a key component in uplifting the spirits of our countrymen especially during the many challenges and hardships brought about by the recession year as part of ABS-CBN’s service to the Filipino people. Strong programs like the local adaptation of “I Love Betty La Fea” (36.8%) starring Bea Alonzo as the Pinay Beatriz Pengson; the local adaptation of the Korean series “Only You” (36.3%) starring Angel Locsin, Diether Ocampo and Sam Milby; and the much talked about sibling rivalry between David and JR played by Jake Cuenca and Gerald Anderson in “Tayong Dalawa” (35.5%) all kept audiences happily entertained to keep spirits high. These only prove that ABS-CBN also ruled the programming landscape last year across all genres which included drama, news and current affairs, reality, fantasy, and game. This year, the shows to watch out are the adaptation of hit telenovela “Rubi” starring Angelica Panganiban, talent-reality show “Pilipinas Got Talent, ” fantasy series “Kokey@Ako,”[/color] pocketbook-adaptation “Midnight Phantom” and “Impostor” and remake of hit youth-oriented show Gimik dubbed as “Gimik 2010.” With the network’s recently launched primetime shows “Tanging Yaman,” “Kung Tayo’y Magkakalayo,” “Habang May Buhay,” and the most recent “Agua Bendita” performing very strongly worthy of the performance of their predecessors, ABS-CBN continues its momentum in providing best-in-class programming to the Filipino people nationwide and worldwide. www.mb.com.ph/articles/243912/abscbn-widens-national-lead
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 0:39:00 GMT 8
Luis Manzano is intent on winning Angel Locsin backby Bernie Franco | February 17, 2010 8:31 AM Luis Manzano admitted that he’s trying to win former girlfriend Angel Locsin back and make up for his shortcomings after their breakup. “Kaya nga ang sabi ko rin naman sa Entertainment Live na gusto ko ring bumawi sa mga pagkukulang ko. Hindi ako nagmamalinis. There were instances na nasaktan ko talaga siya,” the actor-host confessed. “I am trying to win her back, sinabi ko naman talaga ‘yon. I am trying to work things out.” He also confirmed Angel’s statement that he often pays the actress a visit at home, even when Angel advised him not to exert too much effort for her. Luis, on the other hand, explained that he likes what he is doing and is determined to be with Angel again. “Eh, kung gusto mo ‘yung ginagawa mo ba’t ka napapagod? If you really want to pursue something kahit ano pa ang humarang sa ‘yo [gagawin mo]. I want to do something, eh ‘di gagawin ko.” The host of the upcoming talent search show Pilipinas Got Talent explained that he perfectly understands Angel's reluctance to be with him again, because she is just being careful of her emotions this time. "Siguro naman kahit paano we can’t blame her or kahit sino pa man of taking extra care of one’s heart,” he justified. Luis also shrugged off speculations that Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda is courting Angel because he is also a good friend of Chito’s. In the same way, he is not bothered if Angel keeps constant communication with CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida who has been vocal about his admiration for Angel. “Ayokong isipin ang mga ganong bagay because magiging too cerebral. You know, you’re thinking of too many factors, nawawala ‘yung purity ng intention mo,” Luis explained. www.abs-cbn.com/Feature/Article/6621/Luis-Manzano-is-intent-on-winning-Angel-Locsin-back.aspx
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 0:49:14 GMT 8
by: Edgar O. Cruz | STIR Editor In Chief 17 Feb 2010 | 09:55 AM [other parts omitted] Manay Ethel Ramos, Angel Locsin’s manager, asked her new talent and Star Cinema to decide whether she will continue doing “Kokey at Ako” as she’s set to shoot her movie with Aga Muhlach on March 15! To read the rest of the article, click hereAngel Locsin is a finalist in the international Best Twitter Celebrity category of the Shorty Awards, the Oscars for Twitter writers, while Daniel Razon is finalist in the Best Journalist in Twitter!
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 1:18:28 GMT 8
Wednesday, February 17, 2010 Luis Manzano, A for effort daw sa panunuyo kay Angel Locsin!Sa interview niya sa SNN last night, Angel revealed na sa ngayon daw ay talagang bumabawi sa kanya ang ex-boyfriend na si Luis. Inamin naman niyang after ng lahat ng nangyari sa kanila, special pa rin sa kanya ang hunk actor. "Hindi nagkikita kami, sabi ko nga hindi ako nagde-date ng iba. In fairness naman sa kanya, bumabawi nga siya ngayon. Gusto ko kasi, dahan dahan muna. Kung kami, kami. Basta ngayon enjoy lang, ganun. Walang expectations, lagi lang siya nasa bahay ganun," ang honest na pagku-kwento ni Angel tungkol sa status ng relationship nila ngayon ni Luis. Kahit okay sila ngayon, ayaw daw ni Angel na isipin ng mga taong sinasadya niyang pahirapan ang ex-boyfriend. "Sinasabihan ko naman siya na wag kang mag-effort kasi di ba kawawa ka naman. Ayoko naman na sabihin mo pinapahirapan kita or ano ganyan, pero sabi niya gusto lang daw niya gawin," sabi ni Angel. Samantala, for the nth time ay nilinaw din ni Angel na hindi nanliligaw sa kanya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. Tigilan na daw ang pagli-link sa kanya lalo pa't kagagaling lang din daw ni Chito sa break-up, at nakakahiya sa dating ka-relasyon nito. Tungkol naman kay CNN Hero Efren Penaflorida, may communication pa rin daw sila. Nanahimik lang daw si Kuya Ef ngayon dahil napag-usapan na nilang si Angel na lang ang magsasalita. Posted by Darla at 3:45 AM www.darlasauler.com/2010/02/luis-manzano-for-effort-daw-sa-panunuyo.html
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 1:30:35 GMT 8
Angel, PBB nanghawodNi Ryan Mark (Banat) Updated February 17, 2010 12:00 AM CEBU, Philippines - Sama sa gipaabot, nanghawod sa rating nationwide ang PBB Double-Up Big Night, diin mihipos kini og 44.6% basi sa survey sa Taylor Nelson Sofres kon TNS. Ikaduha ang MMK episode ni Angel Locsin nga dunay 35.1% [Omitted other parts] To read the complete article, click here here
|
|
|
Post by nicky on Feb 18, 2010 1:37:48 GMT 8
Beauty ni Angel, klik din sa mga Hapon Written by Jay Orencia Wednesday, 17 February 2010 00:02 ISA sa itinuturing na pinakamagandang aktres ng showbiz si Angel Locsin kaya naman halos lahat ng kompanya sa bansa, siya ang kinukuhang image model ng kanilang mga produkto. At hindi lang may-ari ng mga local product ang nagtitiwala kay Angel, maging ang mga taga-ibang bansa lubos din ang paghanga sa beauty ni Ms. Locsin. Kamakailan, pumirma ng kontrata si Angel para maging image model ng Mosbeau. Ang Placenta Protein ay isang produkto ng Mosbeau na ine-endorse ng aktres. Ang nasabing product ay gawa sa Japan na tinatangkilik na ngayon ng maraming kababaihan. Ayon kay Angel, nagkaroon ng malaking pagbabago ang kanyang kutis simula nang gamitin niya ang placenta protein. Halatang hindi naman nagsisinungaling ang young actress dahil kitang-kita naman sa kanyang katauhan ang ganda ng isang tunay na Pilipina. Sa kanyang pagharap sa mga bisitang dumating sa presscon ng Mosbeau, hindi maiaalis sa lahat ng naroon na mamangha sa kakaibang kagandahan ni Angel. Masaya ring ibinalita ng aktres sa entertainment press na may bago na siyang manager ngayon. Pero hindi naman naging mahirap para sa kanya ang pagpapaalam na ginawa niya sa dating humahawak sa kanyang showbiz career. In short, maayos na nakalipat si Angel sa bagong Nanay-nanayan niya ngayon. www.hatawtabloid.com/showbiz/14060-beauty-ni-angel-klik-din-sa-mga-hapon
|
|