(Part 4) Aga Muhlach takes out his dancing shoes for movie with Angel LocsinAnna Pingol
Monday, August 30, 2010 12:16 PM
Habang sinusulat ng PEP ito ay malamang nakaalis na si Aga Muhlach kasama si Angel Locsin papuntang Japan, kung saan kukuhanan ang ilan sa mahahalagang eksena ng kanilang pinagtatambalang pelikula under Star Cinema na may working title na Huling Sayaw.
Ayon kay Aga, nahihirapan siya nang husto sa pelikulang ito tungkol sa naging buhay ng dalawang dancers na namayagpag noong araw sa Japan.
"Mahirap siya in the sense na hindi siya 'yong love story na boy-girl, iyon na 'yon ano? Eto, merong backdrop ng political ano, there's a governor, probinsiya, may politics tapos may nakulong....
"Malaki 'yong scope niya tapos merong mga eksena sa Japan na makukulong din ako doon tapos after eight years ako nakakakulong, babalik ako dito tapos meron 'yong pulitikang 'yon sa probinsiyang inuuwian ko, so may barilan pa iyon, may mga gano'n pa."
DANCE ROUTINES. Ayon pa kay Aga, komo dancers nga ang role nila dito ni Angel ang talaga naman daw napasabak sila nang husto sa sayawan. Lahat daw ng klase ng sayaw sa ballroom ay gagawin nila rito.
"Tapos, our dancing pa, up to now, ha, we rehearse it all the time. Ang dancing namin, you are not just performing... Halimbawa, may eksena doon na habang nagsasayaw kami, doon may nagkakapatayan. O kaya, let's say 'yong tango, doon kayo nag-aaway sa tango. May mga gano'n. Iba!
"That's why when it was offered sa akin sabi ko, parang, 'Wow, ang ganda!' Tapos I realized na parang, 'Kaya ko ba ito?' Huwag na iyong tuhod, e!" natatawang sabi pa ni Aga na nakilala noong kabataan niya sa galing sa pagsasayaw.
"Malakas naman ang katawan ko," patuloy niya. "Kaya lang parang when you start dancing again now, when you tie it with reality na you have to rehearse every other day and I'm doing seven dances. I have 'yong pasa-doble, then there's my hip-hop doon sa mga eksena sa Japan, then may dalawang klaseng tango—Argentinian and American—and then we are doing rumba... mahirap!"
Bukod sa physically-challenging, malakas rin daw kumain ng oras ang bawat shooting nila dahil mabusisi hindi lang ang mga dance sequence kundi maging ang mga technical requirements ng mga eksena.
"We are using 'yong red camera, 'yong bagong camera. So, hindi film ano? So, 'yong lighting lang, mas madami...mas madaming ilaw.
"There was one sequence, three days kinunan. And 'yong sequence na 'yon, kumbaga sa sine, would come out for like about 50 seconds. And that is just one part and madaming big scenes pa.
"Dati nga, bininiro ko si Direk [Olive Lamasan], sabi ko dati, 'Direk, kelan tayo magkakatrabaho?' So, finally ito na. Pag nagkikita kami, 'Direk, hindi ko naman akalain na ganito kahirap ang gagawin natin.'
"The dancing is only 30 percent of the movie but 'yong 30 percent na 'yon pamatay 'cause it's ballroom and it's not just ballroom, it's the sport of it, e. It's easy to dance but ballroom is a sport so you have to train. Kasi 'yong mga lumalaban diyan, five to ten years na nilang ginagawa 'yon.
"E, sa ginagawa namin na ito, sa movie, I'm a professional kaya dapat kung ano iyong itsura ng nagtuturo sa akin ngayon, dapat gano'n ako. Kasi kung hip-hop lang kasi, okay lang ano? E, ito is a different discipline. Pati 'yong sapatos mo...'yong may takong, tapos patulis?
"Kaya kami ngayon, like tomorrow [August 24], ang rehearsal namin is 10 in the morning hanggang six na ng gabi 'yon. Rehearsal pa lang 'yon."
WORKING WITH YOUNGER ACTORS. Kumusta naman si Angel Locsin bilang kapareha?
"Wala pa kaming masyadong eksena, e. Pero ako, ang napapansin ko sa kanila ngayon, ang sisipag nila masyado," kuwento ni Aga na idinamay na ang isa pa nilang co-star na si Jake Cuenca.
"Nakakapagod 'yong ginagawa nila na from taping, from doing their soap, they finish it. Like kami, nag-shoot kami and natapos kami ng six o'clock in the morning, si Jake, pupunta na sa taping niya.
"Si Angel, uuwi din lang, maliligo lang then pupunta na sa taping niya. Doon ako nanghihina for them. Sabi ko, hindi ko talaga kaya 'yan.'"
Hindi raw sila ganito noong panahon nila.
"I never had that experience, so far. Wala, wala pa. I mean, kaya ko 'yong puyat, but the following day, may shoot ka ulit with the same movie?"
[omitted]
-
PEP