SINO BA TALAGA SI ANGEL LOCSIN? Sa pamilya, parang United Colors Benetton kami, dahil
si Angel lumabas na medyo mestisa (with
brown hair, white complexion, pointed nose), si mommy
mukhang Indian or Arab, si daddy mukhang Chinese, ako
mukhang Thai na hindi maintindihan
(at di rin ako pinalad magkaroon ng cleft chin o ng matangos na ilong).
Kung ikukuwento ko pa ang labing-isang kapatid ni daddy,
hindi rin sila magkakakamukha dahil parang ibat-ibang
race din sila. At ang salarin po dun ay ang
inter-racial marriages ng mga lolo't lola namin. Si
lola (Locsin-Montelibano) ay half Chinese (and that's
where Angel got her screen name) at si lolo
(Colmenares) ay half Spanish. Ang mother naman ni
mommy ay de Leon-Araneta at ang father niya naman ay
Belen-Bayoneta (O, diba bagay? Haha!).
Medyo fragile si Angel nung baby kasi maliit ang
kanyang katawan compared sa katawan ko noon.
May pagka-sakitin. Inaatake ng convulsions kapag
mataas ang fever (at madalas yun!). Hindi ko
makakalimutan nung nakita ko siyang nilubog ni mommy
sa palangganang may tubig at yelo nung inatake siya,
or nung lumobo yung kamay niya sa maling pagkakalagay
sa kanya ng dextrose, at nung turukan siya ng malaking
karayom sa likod para kunin daw ang tubig sa likod
niya. Basta, dahil ganun siya, makikitang baby pa
lamang siya nakikipag-struggle na siya sa buhay. Sa
maagang yugto pa lang ng kanyang buhay, hinuhubog na
ang isang "Fighter."
When she was four years old, sumali siya sa Ms. Little
Barangay sa lugar namin. Ewan ko kung pinili siyang
maging contestant o nagprisinta siya. Basta pag-uwi
nya sa bahay, proud na proud siyang iannounce na
sumali siya sa nasabing pageant. Dahil wala naman
saming mahilig sa ganun, hindi namin siya naturuan
kung anong gagawin niya dun. Naibili lamang siya ng
gown ni daddy. When the event came, nagulat kami nung
nagpresent siya talent. Nagrecite siya ng 10 Little
Kittens, may acting pa na kasama. Nung nagpalakpakan
na yung audience at nagpasalamat na sa kanya ang
emcee. Sinabi pa niyang, "Hindi pa ko tapos.." kaya
nagtawanan ang mga tao. Kumanta pa siya ng "Isang
Munting Tinig"... at after nun hindi pa rin siya bumaba
dahil sumayaw pa siya. Ayun, siya ang naging Miss
Talent. At pati yung Ms. Baranggay title, siya na rin
ang nakakuha. Nakita ko sa kanya na hindi lang sapat
para sa kanya ang makasali. Pagbubuhusan niya talaga
ng effort para maging one of the best.
Angel as a child was so hyper-active as in sobrang
galawgaw. Ang husay nya sa pag-cartwheel (sunod-sunod
pero di nahihilo), mag-split (tatalon pa yan tapos
pagbagsak sa lupa naka-split na), at kung anu-anong
exhibitions. What is surprising is that she learned it
all by herself. Hindi siya nag-enroll sa gymnastic
school pero kaya niyang gawin ang lahat ng yon because
of her determination. I watched her practice and I
knew that it was not that easy.
Mahilig rin siya noon na manggaya ng martial arts na
napapanood niya sa tv or movies. Nag-aral din kami ng
konting street-fighting, aikido and judo noon pero di
lang kami nakapagtuloy-tuloy dahil busy sa school.
Pareho naming paborito si Jacky Chan. At nakuha niya
kay mommy ang hilig sa panonood ng wrestling. Hanggang
ngayon, wrestling fan si Angel.
Dahil sporty at health buff ang daddy namin, lahat
kami naobligang magswimming. Naging varsity kami sa
UST at nagkaron ng athletic scholarship. Si Angel nung
first year highschool, naging Rookie of the Year pa.
Nagsimula siya magtrain at 8 or 9 years old under the
supervision of our coach-brother Greg na super higpit
pagdating sa training. Pero dahil lahat nga ng
pinapasok ni Angel ay kina-career niya, naging mas
mabilis pa siya sakin nun kahit ang layo ng agwat ng
edad namin. Nag-excell siya at nakapagcompete pa siya
noon sa Hongkong. Wala kasi siyang reklamo kahit twice
a day (everyday) ang training (5am-7am and 3pm to
5pm), kahit kulay green at amoy ewan na ang pool --- at
kahit magmukhang mutant na sirena na siya! (siyempre
umitim siya at natural lang na naging dry yung hair at
skin niya). Ito ang discipline na tinuro sa kanya ng
sports.
Madalas siyang napapagalitan tuwing uuwi siyang
napakarumi ng medyas. Pano ba naman ay 10-20 at
Chinese Garter ang libangan niya tuwing break sa
school. Lagi rin napapaaway sa boys. Dahil schoolmate
kami, ako ang sumbungan nya sa school. Highschool ako
noon, elementary siya, kaya pag nakita naming dumaan
yung nakaaway niya sa lobby, ibubully namin.
Nung may dance group pa ako at nagrerehearse kami sa
bahay, sumasali siya sa practice kahit ipagtabuyan
namin siya. Istorbo kasi! Paborito namin siyang pagtripan ng mga
kaibigan ko at lahat naman kami ay nakatikim ng sipa
mula kay Angel. Masarap siyang asarin noon kasi cute
yung pagiging makulit niya at alam mong palaban.
Makikipagdebate talaga siya pag alam niyang may
katwiran siya. Palibhasa, Taurus ang zodiac sign.
Sabi nga ng mga kaibigan ko na kasama ko noong
mang-asar kay Angel, hindi nila akalain na magiging
artista na may sexy image ang utol ko kasi akala nila
noon tomboy si Angel.
Sasabihin kong mabait si Angel di lang dahil kapatid
niya ako. Ganun talaga siya kapag nakilala mo kung
sino talaga siya. Hindi siya maramot. Masaya siya
kapag nakakapagpasaya siya ng iba. Minsan nga gusto
kong batukan, e! Pano ba naman, alam naman niyang di
nagbabayad sa kanya ng utang, pinautang pa rin niya!
Maraming ganun sa kanya hanggang ngayon. Kung titignan
natin ang katwiran niya, pera lang anya ang nawala sa
kanya at maari namang kitain. Maaring malayo ang
marating na tulong ng perang yun sa taong tumanggap.
Pero sa taong yun na may kakayanan namang magbayad
pero mas piniling maging balasubas, buong pagkatao ang
mawawala sa kanya. It's their loss, ayon sa kanya.
Paborito niyang suotin noon ang supergirl costume
niya. Ganun din naman ang kanyang mga nilalaro -- siya
bilang heroine vs. the villains (hindi ako ang villain, ha!).
Sinong mag-aakala na gagampanan niya rin ang ganitong role sa
likod ng camera?
At kahit sa totoong buhay, pangarap niya ang
makatulong sa kapwa lalo na sa mga marginalized
sectors ng lipunan. Sa kasalukuyan, kilala si Angel
bilang advocate ng karapatan ng kababaihan at kabataan
dahil sa pagsuporta niya sa mga grupong nagtataguyod
ng interes nito. Yun nga lang, hindi niya kayang maging
superhero para akuin ang lahat...
Nung minsang nagbigay siya ng talumpati sa isang
Gabriela Women's Party event, sabi nya,
"Sa mundo, dalawa lang naman ang laging
naglalaban. Ang katotohanan laban sa kasinungalingan...
Ang kabutihan laban sa kasamaan... O ang tama laban sa
mali... Alinman dun ay dapat nating panigan. Walang
nyutral! Bilang isang artista, hindi lamang po
pag-arte ang trabaho namin, Dahil kinikilalang may
malaking impluwensiya sa publiko ang showbiz, may
social responsibility po kaming maging mabuting
halimbawa. Kaya po ako nandito ngayon sa Gabriela.
Pinili ko po ang tama."
Sa pagkakakilala ko sa kapatid ko, hindi lang siya si
Angel na artista o yung model ng ibat-ibang produkto,
siya ay isang ordinaryong babaeng may paninindigan,
pangarap at pagpapahalaga-- kung kaya siya ay kuminang.
Siya pa rin ang simple, astig, makulit at mutant na
sirenang utol ko na laging lumalapat sa lupa anuman
ang layo at taas ng kanyang nalipad.